bc

The Billionaire's Forced Marriage |COMPLETED|

book_age18+
60.6K
FOLLOW
325.1K
READ
billionaire
escape while being pregnant
arranged marriage
self-improved
heir/heiress
drama
bxg
city
childhood crush
gorgeous
like
intro-logo
Blurb

WARNING! THIS STORY CONTAIN MATURE CONTENT THAT IS NOT SUITABLE FOR MINORS. RATED SPG!

Kasalan na hindi ginusto ni Alwin.

Pagsasama na si Pauline lang ang nagbibigay ng buong pagmamahal.

Hanggang saan ang kayang tiisin ni Pauline sa piling ng kaniyang asawa?

chap-preview
Free preview
One
"Kailangan na nating planuhin ang kasal sa lalong madaling panahon," suhestiyon ng future father in law ko. Malapad akong ngumiti pero agad din itong napalis nang makita ang seryosong mukha ni Alwin. Umayos ako ng upo at tinuon ang atensyon sa mga nag-uusap na mga magulang namin. I avoided Alwin's gaze. I don't want to ruin my mood. Pumikit ako at nag-imagine. I'm wearing a luxurious wedding gown, designed by one of the famous fashion designer in the world. Kinikilig ako! Narinig ko ang pagtawag sa pangalan ko ng future mother in law ko kaya napabalik ako sa wisyo. "Ano'ng gusto mo na theme ng kasal, hija?" tanong niya sa akin gamit ang pinakamalambing niyang tono. Ang saya naman. Tanggap na tanggap ako ng mother in law ko. Matamis akong ngumiti bago ako sumagot. "I want a royal wedding theme, po." Tumango-tango si mommy at ang mommy niya na magiging mommy ko na din kapag kinasal kami. "I am so excited," wika nilang dalawa na may malalapad na ngiti sa mga labi. Mas nadagdagan tuloy ang ang excitement at kasiyahan na nararamdaman ko. Welcome na welcome ako sa family ng mga Montenegro. I can't wait to be Mrs. Montenegro. Maria Pauline Guttierez- Montenegro. Patapos na kaming kumain ng magpaalam ako para magbanyo. Nag-retouch pa ako ng make up bago ako tuluyang lumabas. Ngunit agad ding napahinto nang makita ko si Alwin sa labas ng restroom. Nakahalukipkip siya at seryoso ang mukha. "Grabe, hindi makapaghintay? Miss mo na agad ako?" Pigil ko ang mapabungisngis nang matalim niya akong tiningnan. "Mag-back out ka sa kasal." Nalaglag ang panga ko. "What?" Ang sakit naman niyang magsalita. Buong akala ko pa naman ay bukal sa loob niyang tatanggapin ang kasalang magaganap sa amin. I sighed and crossed my arms. "If you don't want to marry me, go and tell our parents, do it yourself," hamon ko sa kaniya. Umigting ang kaniyang panga. Galit yarn? "I can't do that," sagot niya. Napangisi ako. Eh, di mas mabuti? Nag-iinarte pa kasi. "So, am I," sagot ko habang nakangisi pa din sa kaniya. Tinalikuran ko na siya, dahil wala namang patutunguhan ang usapang 'to, pero mabilis niyang nahablot ang braso ko. "May girlfriend na ako, I can't marry you," madiin niyang bigkas sa bawat salita na binitawan. "May boyfriend din ako. Kung gaano mo kaayaw ay mas lalo naman ako." Nagtitigan kami. "But, like you. I don't want to disobey my parents," bulong ko sa kaniya. "I don't believe you. You look so stubborn and impulsive," saad niya na para bang kilalang-kilala na niya ako. "I know you can turn them down." Napangiwi ako ng naging mahigpit ang pagkakahawak niya sa braso ko. Nang makita niya ang reaksyon ko ay agad niya akong binitawan. "Judgemental yarn? How can you say that?" Pinanliitan ko siya ng mata. Hahakbang na sana ako ulit paalis nang marinig ko ang sinabi niya. "Are you suppose to marry the man you truly love?" tanong niya. Binalingan ko siya at pinagmasdan, ngunit hindi ko mabasa kung ano ang iniisip niya. "That's why, I am marrying you," nakangising sagot ko. Napamura siya at mas lalong nainis. Akala ko magsasalita pa siya pero tinikom niya ang kaniyang bibig. Gumalaw pa ang kaniyang panga. How dare you na mag-girlfriend at magmahal samantalang hindi pa tayo pinapanganak naipagkasundo na tayo. Para akong nasaktan sa sinabi niya. May girlfriend na siya at mahal niya ito? Well, ngayon pa lang kalimutan na niya ang feelings niya para sa babae. Hiwalayan na niya ngayon pa lang. One month mula nang dumating siya ng Pinas ay araw-araw din na nakakasama ko siya. Sinusundo niya ako sa school, dahil utos iyon ng parents niya. Masunurin siyang anak at hindi magawang tanggihan ang mga magulang, kahit na labag sa loob niya. Napagkasundo na kami mula sa mga grand parents pa lang namin. Nang mabanggit sa akin ni daddy na naka-arranged marriage ako. Sobrang pagkadismaya talaga ako. Bakit sila pumayag? Akala ko ba mahal nila ako? Pero bakit ganoon? Gusto kong pakasalan ang lalakeng mahal ko. Naka-ready na akong mag-backout sa kasal, pero nagbago din ang lahat ng makita ko siya sa unang pagkakataon. Na-love at first sight yata ako sa kaniya. Who wouldn't be? He's almost perfect... Almost dahil may kulang pa sa kaniya. Iyon ay ako. Taray! Nang mapansin ng mga magulang namin na may gusto ako sa kaniya ay lagi na nila kaming pinagsasama. Sumusunod naman siya sa gusto ng mga magulang namin pero halos manginig ako sa lamig dahil sa very cold na trato niya sa akin. At heto nga at mukhang gusto pang hindi matuloy ang kasal namin. No way! Akin siya at sisiguraduhin kong matutuloy ang kasal namin. "Sa sasakyan ka na ni Alwin sumakay, hija," wika ng mommy niya. Nakangiti akong sumulyap kay Alwin, pero hindi man lang siya ngumiti pabalik. Kahit kunwari na lang sana na masaya siya. Ang mahal ng ngiti niya. Dinukot niya ang susi sa bulsa ng pantalon at nauna ng maglakad. Hindi man lang ako inaya. Nagpaalam muna ako sa mga magulang namin bago ako sumunod sa kaniya. "Dapat bago ang kasal ay may laman na ang tiyan mo, hija!" pahabol ng mommy niya na alam kong nagbibiro lang. Hindi naman lingid sa kaniya ang trato sa akin ni Alwin. Mas lalo na namang maiinis si Alwin dahil sa biro niyang iyon. Tuloy-tuloy lang ang lakad ni Alwin, walang pakialam sa kasama niya. Binilisan ko na lang ang paglalakad para mahabol ko siya. "Uuwi ka na din ba pagkahatid mo sa akin sa condo ko?" Hindi siya sumagot at sinimulan ng patakbuhin ang kaniyang sasakyan. "Magpa-party ba kayo ng friends mo? Puwedeng sumama?" tanong ko sa pinakamabait ko na yatang tono pero wala pa din siyang sagot. Napakatahimik sa buong biyahe, parang may kasama akong pipi. Binuksan ko ang stereo ng kaniyang kotse dahil para akong mabibingi sa sobrang katahimikan. Nilingon niya ako at sinamaan ng tingin. Mas lalong masama ang timpla ng mukha niya ng ang pinili kong FM station ay ang nag-pe-play ng rap music. Madalas ko itong naririnig na kinakanta ng mga kaibigan ko kaya naman halos mamemorya ko na. Merong kahati, gusto kita na mapasa'kin Kung pwede lang ba sana sa kanya kita nakawin- Napatili ako nang bigla siyang nag-preno. Tumindig ang balahibo ko. Kinapa ko ang dibdib ko nang makahuma ako sa pagkagulat. "Magpapakamatay ka ba?" singhal ko sa kaniya. "Out!" sigaw niya sa akin na kinataranta ko. Nag-alangan pa ako pero kitang-kita ang galit sa kaniyang mukha habang nakatingin sa akin. "I said, get off my car!" sigaw niya ulit. "Ano'ng ginawa ko?" maang kong tanong pero dahan-dahan ko na ding kinalas ang aking seatbelt. Binuksan ko ang pinto ng passenger seat at lumabas ng kaniyang sasakyan. Nakatingin lang ako sa sasakyan niya na mabilis ng humarurot at nawala na sa aking paningin. Talagang iniwan ako? Wala talagang puso ang lalakeng iyon. Pero hindi ako susuko, kahit pa ipagtabuyan mo ako. Tandaan mo ito, Alfonso Winard Montenegro, magiging akin ka din.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Broken Angel

read
3.9K
bc

The Billionaire's Innocent Seductress

read
424.8K
bc

Loving The Billionaire |SPG

read
249.1K
bc

Unloved by the billionaire

read
397.0K
bc

Billionaire's Secret Affection (Tagalog)

read
258.6K
bc

Marrying My Fiancee

read
460.8K
bc

Wicked Seduction (R-18)

read
337.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook