Two

1079 Words
Nakangiti ako habang nakamasid sa lalakeng pasuray-suray na naglalakad papasok sa condominium na inookupa niya. Nang masigurado kong nakasakay na siya sa elevator papunta ng 20th floor na kinaroroonan ng unit niya ay mabilis na din akong kumilos para sumunod sa kaniya. Sa lobby ay sinalubong ako ng isang staff na binayaran namin ng mommy ni Alwin para bigyan ako ng spare key. Nag-alangan pa siya nang una. Marahil ay natatakot na makarating sa management ang tungkol dito. Sinabi ko sa kaniya ng paulit-ulit na fiancee ako ni Alwin. Gusto ko lang siyang surpresahin dahil anniversary namin. Buti at bumigay din, kaya ayun binigyan ko siya ng malaking bonus. Medyo kabado ako habang nakatingin sa numero na pumapatak sa elevator habang paakyat ako sa 20th floor. Marahan ang hakbang ko papasok sa loob ng kaniyang unit. Luminga-linga pa ako na akala mo isa akong magnanakaw na manloloob. Sa ganda kong 'to? Hindi naman ako magnanakaw. I will just claim what is mine. Ikakasal na din naman na kami, at sinisigurado ko lang na wala na siyang lusot. Baka makagawa pa siya ng paraan para hindi matuloy ang kasal namin. Mahirap na. Gustong-gusto ko talaga siya. Madami naman akong manliligaw pero wala talaga akong matipuhan sa kanila. Ayaw ko ng mga ka-edad ko lang. Mas gusto ko ang matured gaya ni Alwin na twenty eight years old na. Sabi nila mas magaling daw mag-handle ng relasyon ang mga mature na lalake at sweet daw. Pero okay na din na magaling siya mag-handle ng relasyon. 'Di na ako hihirit pa sa sweet dahil nunka na maging sweet siya sa akin. Pero malay natin in the near future o kapag kasal na kami o kaya kapag natikman na niya ako, baka maging malambing siya sa akin. Napahagikgik ako sa pinag-iisip ko. Nanginginig ang kamay ko habang pinapasok ang susi sa key hole ng door knob. Nang marinig ko itong mag-click ay nagsimulang mag-alburoto ang aking dibdib. Parang mga kabayo na nagkakarerahan ang bilis ng pintig ng puso ko. Dahan-dahan kong pinihit ang door knob at nang magbukas ay bahagya muna akong sumilip sa maliit na awang ng pinto bago ko binuksan. Saktong kasya lang ang katawan ko sa ginawa kong awang. Maingat kong sinarado ang pinto. May apat na pinto ang unit ni Alwin, isa sa mga iyon ang master's bedroom na kinaroroonan niya. Ang unang pinto na nabuksan ko ay ang kaniyang study table. Napakarami niyang libro na natitiyak kong puro tungkol sa business lahat. Sinarado ko ito at sunod na binuksan ang sumunod na pinto. Mga gym equipments ang bumungad sa akin sa sumunod na kuwarto. May sarili siyang gym. Kaya naman pala napakaganda ng katawan ng future asawa ko. Nangiti ako sa kaisipang magiging mag-asawa na kami, soon. Nang mahanap ko ang kaniyang kuwarto ay maingat akong naglakad palapalit sa kama na tinutulugan niya. Hindi na niya nagawang magpalit ng damit sa sobrang kalasingan. Nilapitan ko siya at kinalas ang mga butones ng polo niya. Nahirapan akong hubarin ito kaya ang slacks na muna niya ang inuna kong hubarin. Kandalunok ako nang masilayan ko ang kaniyang ano. May suot naman siyang brief pero hindi ko na kailangang tanggalin ang briefs para malaman ko kung malaki ba o maliit ang kaniyang ano. Malaki siya! Okay na siguro kahit hindi ko na hubarin ang kaniyang brief. Nahihiya ako! Kinakabahan ako ngunit kailangan ko 'tong gawin. Hinubad ko ang aking damit. Kinalas kk ang hook ng aking bra. Nakakahiya pero kailangan. Ang panty ko lang ang tanging saplot sa aking katawan. Nahiga ako sa tabi niya at humilig sa kaniyang dibdib. Tumili ang utak ko ng mapagtanto ang aming itsura. Nag-init ang aking mukha, na sinabayan pa ng malakas na pagtambol ng aking puso. Tiningala ko ang napakaguwapong mukha ni Alwin. Mukha siyang mabait kapag tulog. Ang amo ng kaniyang mukha. Sana, magawa mo akong mahalin. Promise magiging mabuti akong asawa, wika ko sa aking isip. NAGISING ako sa ingay sa paligid. Gusto ko pa sanang bumalik sa pagtulog nang mapagtanto ko kung nasaan ako. Napabalikwas ako ng bangon at mabilis na dinampot ang unan upang ipantakip sa aking dibdib. Mula dito sa kuwarto ay naririnig ko ang mga pamilyar na boses. Ngayon ko lang napagtanto kung ano ang kalokohan na ginawa ko. Kabadong-kabado ako at nakaramdam ako ng kaunting hiya. Kaso tapos na. Ito din naman talaga ang gusto ko. Sumilip ako sa maliit na awang ng pinto. Kita ko ang hubad baro na likod ni Alwin. Nakasuot na siya ng khaki shorts. Nakapamaywang siya at natitiyak kong masama ang timpla ng mukha niya, habang nakikinig sa sinasabi ng mommy niya. "Magpakasal kayo as soon as possible," utos ng mommy niya. Napangiti ako nang hindi sumagot si Alwin. Mukhang tanggap na niya na akin talaga siya. "Kung gusto niyo kahit ngayon pa," sagot niya na kinalaki ng mga mata ko. "Kakausapin ko ang parents niya para sa mabilisang pag-organize ng kasal niyo," wika ng mommy niya. "Kahit sa huwes na lang, napag-usapan na namin kagabi, na huwag ng gawing enggrande ang kasal," sagot ni Alwin na kinakunot ng noo ko. Ano'ng pinagsasabi ng lalakeng 'to? Hindi nga kami nag-uusap at ang huli naming pag-uusap ay noong inutusan niya akong umatras sa kasal. Nang magpaalam na ang mommy niya ay mabilis akong bumalik sa kama at nagkunwaring natutulog. Narinig ko ang paglapat ng pinto pasara at sunod ay ang mga mabibigat niyang hakbang palapit sa kama. Nanigas ang katawan ko at halos hindi na ako huminga. "I know you're awake, bitch," wika niya. Nasaktan ako sa tinawag niya sa akin, pero pinili ko pa ding magkunwari na tulog kahit pa alam niyang nagkukunwari lang ako. "I underestimate you," turan niya ulit. Para akong nagsisi sa ginawa ko dahil sa mga mapanghusgang binibitawan niya na salita sa akin ngayon. Pero, hindi! Mahal ko siya. Lumundo ang kama at sunod kong naramdaman ang kaniyang kamay sa aking panga. Madiin ang pagkakahawak niya roon, kaya napaigik ako sa sakit. "Your name doesn't fit you, they should have name you Magdalena instead of Maria Pauline," pang-iinsulto niya sa akin. Napaluha ako pero hindi pa din ako nagmulat ng mata. Hindi ko kayang salubungin ang matapang niyang titig, dahil base sa sinasabi at kinikilos niya. Alam kong galit na galit siya. "Fix yourself, we're getting married in a few hours. Don't expect a grand wedding." "I won't give you your dream wedding, you don't deserve it," madiin niyang turan bago pabalang na binitawan ang mukha ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD