Three

1019 Words
Mga magulang lang namin ang naging saksi sa kasal namin. Nagpirmahan lang kami sa harap ng judge na inimbitahan niya dito sa condo niya. Kahit seremonya ay hindi niya pinagawa. Pinadama niya sa akin kung gaano ako kawalang halaga sa kaniya. Alam kong dismayado ang mommy at daddy sa akin. Pangarap ng mga magulang na ihatid sa altar ang kanilang anak na babae. Pero heto ang unica hija nila na daig pa ang tight ang badget. Wala man lang reception at mga kaibigan o ibang kamag-anak na dumalo. Pagkatapos magpirmahan ng marriage certificate ay agad ding umalis ang judge. Kaibigan kasi ito ng pamilya kaya naman hindi na kami nahirapan pa sa pagkuha ng requirements para maikasal. "Saan niyo planong mag-honey moon?" tanong ng mommy niya habang may matamis na ngiti sa mga labi. Parang siya lang at ang daddy ni Alwin ang masaya ngayon. Tahimik lamang ang mga magulang ko, matiim silang nakatitig sa akin. Hindi ko magawang salubungin ang mga titig nila dahil alam kong alam nila ang ginawa ko para makasal ngayon. Parang kailan lang, halos ayaw madikit ni Alwin sa akin. At alam ko na hindi iyon lingid sa mga magulang namin. Pero sa isang iglap kinasal kami at si Alwin pa ang nagtawag ng judge para makasal kami. Puwede naman siyang tumanggi kung tutuusin. Pumayag siya ng ganun na lang. Nagmukha akong desperada dahil sa ginawa ko, pero nagmamahal lang ako. Ngayon na kasal na kami ni Alwin. Gagawin ko ang lahat matutunan lang niya akong mahalin. Magpapakabuti akong maybahay para sa kaniya. "Madaming proyekto ngayong buwan, hindi ako puwede mawala. Baka kung anong mangyari sa kompanya," pagdadahilan niya. Inasahan ko na ang sagot niya. Ang honeymoon para lang sa mga nagmamahalan. Napilitan nga lang siyang pakasalan ako kaya heto at dinaan na lang sa pirmahan, honeymoon pa kaya. "Son, kakakasal mo lang. Iwan mo muna ang company kay Nelson," mungkahi ng mother in law ko. Nginitian pa niya ako at makikita ang saya sa mukha niya. "Mas kailangan kong magtrabaho ngayon na may asawa na ako, mom," palusot niya. Best actor! Natawa ang mga magulang namin. "Saan niyo planong tumira?" tanong ni daddy sa kaniya. "May binili po akong bahay sa Quezon City," sagot niya. Nilingon niya ako at tipid na ngumiti na alam kong pakitang tao lang sa mga magulang namin. Alanganing ngiti naman ang ginawa ko. Nagpadeliver na lang kami ng pagkain dito sa condo niya. Nang matapos kumain ay umalis na din ang mga magulang namin. "Ipapadala na lang nila ang mga gamit mo sa bahay ko sa Quezon City," imporma niya. Naglakad ito papunta sa kuwarto. 'Bahay ko'.. Kahit pinakasalan niya ako ay pinapakita pa din niya na wala akong puwang sa buhay niya. Nakaupo lang ako dito sa couch habang unti-unting pumapasok sa utak ko kung ano ba ang pinasok ko. May asawa na ako, mag-asawa na kami. Pero tanong ng isip ko ay masaya ba ako na nakikita ang malamig na tingin na pinupukol niya sa akin. Kung noon ay malamig siya sa akin, ngayon naman ay makikitaan mo siya ng kalupitan sa kaniyang mukha. Para siyang nandidiri sa akin na akala mo'y mayroon akong nakakahawang sakit. Napaayos ako ng upo ng magbukas ng pinto ng silid at lumabas siya na nakasuot na ng tshirt. Mabilis din akong tumayo para sumunod sa kaniya palabas ng unit niya. Mabilis siyang maglakad na para bang wala siyang kasama. Tahimik kami buong biyahe, walang imikan. Ni tapunan ako ng tingin ay hindi niya ginawa hanggang sa makarating kami sa bahay niya sa Quezon City. Tatlong palapag ang bahay na kombinasyon ng kulay brown at white ang pintura. Malinis at modernong tignan, may swimming pool din ito sa gilid ng bakuran, may dalawang summer lounge chair, at may mini garden din na natatamnan ng mga ibat-ibang kulay ng rosas. Sa maindoor ay sinalubong kami ng dalawang katulong. Isang may edad na at ang isa naman ay mas bata sa akin. "Good evening, hijo, siya na ba ang asawa mo?" tanong ng may edad na maid sa kanya. Hindi umimik si Alwin at dire-diretso lang ang lakad, sumunod ako sa kaniya. Nakaramdam ako ng awkwardness. "Ipagamit niyo sa kaniya ang isang kuwarto sa labas," wika ni Alwin. Nakatingin siya sa maid. Napansin kong nagulat ang maid sa sinabi niya. Pero hindi na siya nagsalita pa. "Tara, hija, ihatid na kita sa kuwarto mo," sabi ng matandang maid. Sinulyapan ko si Alwin bago ako nagsimulang humakbang. "Turuan niyo siya sa mga gawaing bahay. Kailangan matuto siya sa loob ng dalawang linggo. Mula sa ayaw ko at sa mga gusto kong pagkain, ituro niyo sa kaniya. Kung hindi sisisantehin ko kayo." Napasinghap ang matanda sa narinig na tinuran ni Alwin. Gulat man ay hindi na ako nagprotesta pa. Gawain naman talaga iyon ng mabuting maybahay. "Kapag natuto na siya, sa mansyon na lang kayo magtrabaho," pahabol niyang wika. Tumango ang maid at giniya na ako papuntang magiging silid ko. Maliit lang ang silid at electticfan lang ang gamit. Walang aircon, walang tv at walang sariling banyo. Bumuntong hininga ako at naupo sa kama na banig lang ang sapin. May manipis na kumot at may isang unan. "Tanungin ko si Alwin kung puwede namin ilipat dito iyong isang kutson," wika ng maid. Agad naman akong umiling. Alam ko kung ano ang gustong mangyari ni Alwin. Gusto niya akong pahirapan lalo na at alam niyang galing ako sa marangyang buhay. Gusto niya akong magdusa sa piling niya. Pero hindi ako susuko. Magagawa din niya akong mahalin, hindi ang mga parusa niya ang makakapagpabago sa nararamdaman ko para sa kaniya. "Ako nga pala si Manang Gloria, apo ko naman ito, si Vicky." "Pauline, po." Kung hindi ako nagkakamali ay baka matagal ng naninilbihan si Manang Gloria sa pamilya nina Alwin. Siguro siya na din ang nagpalaki sa kaniya gaya ko na lumaki din sa katulong. "Magpahinga ka na, hija, mamayang hapon tuturuan kita magluto," aniya. Humiga ako sa matigas na kama, hindi ako sanay pero kapag nagtagal magiging normal na lang siguro sa akin ang electricfan at matigas na higaan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD