Ayaw niya akong makasama sa iisang kuwarto, ayaw niya akong makatabi sa kama. Bukod pa doon, hindi asawa ang turing niya sa akin. Turing niya sa akin ay isang katulong at siya ang amo ko na kailangan kong pagsilbihan.
Isa akong prinsesa sa mansyon ng mga magulang ko kaya wala talaga akong alam sa mga gawaing bahay.
Hindi naman ako walang kuwenta, iba lang talaga ang linya ko. Napabalikwas ako ng marinig kong bumukas ang pintuan. Mukha ni Alwin na seryoso ang bumungad.
"Gusto ko lang masigurado na nahihirapan ka," aniya. Malamig ang kaniyang tingin sa akin. Hindi ako umimik.
Ako iyong tao na walang pinapalampas na salita. Lahat may sagot ako lalo na at hindi ako pumapayag na may umaapi sa akin.
"Kung ginagawa mo ito para mapa-annul agad ang kasal natin ay mabibigo ka lang," sagot ko.
Sarkastiko siyang ngumisi sa akin habang naiiling-iling.
"Inasahan ko na 'yan. You're a desperate slut."
Masakit man ang mga sinasabi niya sa akin ay nagbibingi-bingihan na lang ako. Nag-uumpisa pa lang kami sa buhay mag-asawa. Gusto kong patunayan ang sarili ko, gusto kong mahalin niya ako.
"Welcome to hell, young wife," aniya.
Walang kurap ko siyang tinignan, hindi ako matatakot sa mga pagbabanta niya. Hindi.
"Hindi ka na papasok sa eskwelahan," sambit niya na nakapag-pagulat sa akin.
"Are you kidding me?"
"And, give me your celphone and your cards," dagdag niya. Mukhang hindi talaga siya nagbibiro.
Maang ko siyang tinignan.
"Gusto mong maging asawa ako, 'di ba? This is the perks of being my unwanted wife," aniya sa mapang-uyam na tono.
Talagang pinapamukha niya sa akin kung gaano niya ako kaayaw. Hindi ko na din kailangang itanong kung bakit pa niya ako pinakasalan kung ganito lang din niya ako tratuhin.
I know already the answer. Ayaw niyang biguin ang mommy at daddy niya. Most especially ang mga grand parents namin na siyang naipagkasundo na kami noon pa man.
Ganoon pa ang ginawa ko kaya naman wala na talagang lusot.
Hindi na siya muling nagsalita, kinuha niya ang hand bag ko kung saan naroon ang mga cards, wallet at celphone ko.
"Baka naman puwede mo akong hayaang maka-graduate. Three months na lang," hirit ko sa kaniya.
"My house, my rule. If you can't abide, you're free to leave and announce to our parents about our annulment."
Hindi ako umimik kaya naman nangisi siya.
"Huwag kang mag-alala, hindi ka naman magtatagal sa paghihirap mo sa poder ko bilang asawa ko eh. Sisiguraduhin kong ikaw na ang kusang aayaw," aniya at nagtuloy-tuloy ng lumabas ng kuwarto.
Gosh!
How about my schooling?
How about my dream?
No Cash!
No internet!
No phone!
No friends!
Frustrated na ako pero hindi ako susuko. Nandito na ako eh, mababalewala lang ang effort ko kung umpisa pa lang susuko na ako.
Als-singko ng lumabas ako ng kuwarto at nagpunta sa kusina. Kailangan kong matutong magluto, mukhang mahilig sa lutong ulam si Alwin. Hindi siguro siya mahilig kumain sa labas.
"Ano po ang lulutuin natin, manang?" Lumapit ako sa center island table at tinignan ang mga sangkap na hinanda ni manang.
"Mag-chopsuey tayo, tapos fried chicken," aniya. Pinasadahan ko ng tingin ang mga nakahandang sangkap bago ko kinuha ang kutsilyo.
Sinimulan kong gayatin ang sibuyas, masakit pala ito s mata. Binitawan ko ang kutsilyo at nagpunta ng lababo.
Shocks! Sibuyas pa lang iyon ah.
Nginitian lang ako ni manang. Tinuro niya sa akin kung paano ang tamang pag-slice at pag-chop sa gulay.
Nakaka-frustrate dahil pag-slice lang hindi ko pa magawa ng tama. Hindi ko naman kasi linya ang pagluluto.
Nahiwa ko pa ang daliri ko dahil mali daw ang pagkakahawak ko sa kutsilyo.
Alas-sais y media ng matapos i-fried lahat ng chicken. Sunod naman ang chopsuey na saglit lang daw lutuin. Half cook daw ang gusto ni Alwin sa gulay.
Si manang ang nagtuturo at nagsasabi kung ano ang gagawin ko at ano ang isasalang ko.
Tinimplahan ko at pinatikim sa kaniya. Sabi niya ayos na daw.
Sana magustuhan ni Alwin. Mukhang pinagti-tripan pa man din ako ng lalakeng iyon.
Alas-siete y media ng dumating sa dining si Alwin. Tinignan niya ako saglit bago siya umupo at kumain.
Mukhang hindi naman niya ako iimbitahing saluhan siya kaya tumayo ako sa may gilid.
Kumagat siya sa chicken at sunod siyang nagsubo ng gulay.
Pero niluwa niya din ito.
"Masyadong maalat," aniya. Napamaang ako, paanong maalat. Tinikman pa nga ito ng manang kanina.
"Palitan mo," aniya. Napamaang ako sa sinabi niya. Paanong palitan?
"Ako na lang magluluto, hijo," singit ni manang.
"Tss. Paano siya matututo kung sasaluhin mo ang mga dapat ginagawa niya," sikmat niya.
Tahimik na lang ako na sumunod sa utos niya. Naglabas ako ng gulay sa ref. Kinuha ko lahat ng sangkap.
Nakamasid siya sa akin habang nakaupo siya sa dining.
Sinimulan ko na ding maghiwa, pakiramdam ko masakit sa kamay kapag pinupuwersa kong slice ang gulay.
"Anong nangyari sa kamay mo?" tanong niya. Nakita niya ang mga bandaid sa mga daliri ko.
Hindi ako sumagot at nagpatuloy lang sa pag-slice. Dapat ma-perfect ko ito.
Pero walang perpekto s unang subok. Nahiwa na naman ang daliri ko. Naiiyak na ako, paghiwa lang ng gulay hindi ko pa magawa ng tama.
"Nevermind. Kakain na lang ako sa labas," aniya at tumayo na mula sa dining. Nilapitan naman ako agad ni manang at pinatigil na ako sa paghahanda ng lulutuin.
"Gamutin natin ang sugat mo," aniya. Tahimik lang ako, nagsimula na din akong maluha.
Hindi ako naiiyak sa trato ni Alwin sa akin pero parang mas naiyak pa ako na hindi ko magawa ng tama ang simpleng gawain.
Mukhang hindi ako pang-perfect wife.
Niligpit namin ang mga pagkain na hindi ginalaw ni Alwin. Kami na lang ang kumain. Hindi ko alam kung ano ba ang lasa ng chopsuey dahil hindi naman talaga ako kumakain ng gulay.
"Pangit po ba ang lasa?" tanong ko kay manang at kay Mili. Umiling sila.
"Hindi ko alam kung bakit sinabi ni Alwin na pangit ang lasa. Ayos naman," sabi ni manang.
Ayos, as in okay lang at hindi talaga siya masarap.
O talagang gusto lang akong pahirapan ni Alwin.