Five

1041 Words
Nakailang baling na ako pero hindi talaga ako makatulog. Nagsisimula ng sumakit ang likod ko dahil sa matigas na higaan. Nangangati na din ang balat ko dahil sa mga kagat ng lamok. Naligo pa ako bago ako mahiga pero init na init na ako at pinagpapawisan. Tuwing iihi ako ay kailangan ko pang lumabas ng kuwarto. Nakakarindi din ang mga huni ng lamok na lumilipad malapit sa tenga ko. Walang screen ang pinto at bintana kaya naman malayang nakakapasok ang mga lamok. Nangangati na din ang balat ko dulot ng mga kagat nila. Hindi ko din mapigilang hindi kamutin at pakiramdam ko nagsusugat na. Nagsilbing pambugaw ng lamok ang electricfan na nakalagay sa number three. Hindi nakakatulong ang hangin na binubuga nito dahil pinagpapawisan pa din ako. Grabe namang parusa neto. Hindi puwedeng ganito lagi, dapat kahit sa isang guestroom ako matulog. Kung hindi niya ako makita bilang asawa sana makita niya ako bilang tao. Parang instant naging poorita ako sa lagay kong ito. No cash, no phone, no anything. Tumulo ang mga luha ko. Naalala ko ang sinabi ni Alwin kanina na hindi na ako mag-aaral, wala na din akong makakausap sa mga kaibigan ko. Paano ang pangarap ko? Ngarag akong gumising kinaumagahan. Alas-sais bumangon na ako para ako mismo ang maghanda ng almusal niya. Sabi ni manang, egg, ham, fried rice at coffee daw ang madalas na almusal ni Alwin. Mas madaling gawin kaysa sa ibang potahe. "Oh, hija, nahirapan ka bang natulog?" sabi ni manang. Medyo nahihilo nga din ako dahil sa puyat, mahapdi din ang mata ko dahil sa pag-iyak. "Madami po kasing lamok," wika ko. Nagsalang na ako ng kawali, dapat matuto ako sa lahat ng gawain para hindi ako mahirapan. Dalawang linggo lang dapat matuto na ako. "Naku, ang dami mong pantal at sugat," sabi ni manang. Mahina ko siyang ngitian. "Ayos lang po ako," sabi ko. Hinihintay ko lang uminit ang kawali para masimulan ko na ang pagprito. "Hahanap ako ng gamot, gamutin natin 'yan. Naku, masisira ang maganda mong balat," aniya. Madami nga akong kagat. Mayroon pa ako sa aking pisngi, leeg, mga braso, hita at binti. Hanggang ngayon nga makati pero tinitiis ko na lang na huwag kamutin dahil ang iba kong mga nakamot nagsugat na at medyo mahapdi. Naisalang ko na ang ham, medyo tumatalsik pa ito kaya naman natatakot ako. Umiilag ilag ako. Bakit ba lahat na lang ay mahirap. "Ako na ang gagawa niyan, halika rito at gamutin natin ang mga pantal mo," tawag sa akin ni manang. May hawak siyang ointments at umupo siya sa chair na nasa center island table. "Hindi ko kasi maintindihan din yang asawa mo. Kung ayaw ka niyang makatabi sa kuwarto, sa guestroom k na lang sana patulugin," aniya. "Galit po siya sa akin, manang." "Hindi iyon sapat na dahilan. Kung wala siyang pakialam sa'yo, bakit kailangan ka niyang pahirapan? Kinuha pa niya ang mga pera mo." Hindi ako nakaimik. Medyo naginhawaan ang makating balat ko sa ointment na pinahid ni manang. May cooling effect kasi siya sa balat. "May mga kakilala ako na galing sa fixed marriage pero maayos namang nagsasama. Ang mga magulang niya, fixed marriage sila. Noong bago pa lang silang nagsasama. Hindi sila natutulog sa isang kuwarto. Wala nga silang pakialamanan noon." Nagulat ako sa kuwento ni manang. Fixed marriage lang pala ang mga in laws ko. "Sinisikap din ni Wilma noon na maging isang mabuting asawa. Pero ng mainis dahil tatlong buwan na at wala pa ding pakialam si Alfonso, ayun at nakipagsabayan siya sa asawa niya." Ngumiti si manang at umiling-iling. "Uuwi si Alfonso na lasing, uuwi din siyang lasing. Minsan mas malala pa gagawin niya, mag-out of town sila ng mga kaibigan niya. Hanggang sa napapansin ni Alfonso ang mga ginagawa niya. Nag-komprontahan sila." Kaso magkaiba naman kasi kami ng biyenan ko. Iba din ang lalake kong biyenan kay Alwin na mas mahigpit. Lahat gusto niyang pakialaman. "Sinabi ni Wilma na naglilibang lang siya kaysa maburyo sa bahay. Maglalagi ako dito sa bahay, pero bigyan mo ako ng dalawang buwan na maging asawa mo. Kung hindi pa din umubra at hindi mo ako magustuhan o hindi kita magustuhan. Maghiwalay tayo, iyan ang sinabi ni Wilma." Si mommy Wil kaya ang unang nagmahal sa kanilang dalawa kaya niya ginagawa iyon? "May nobyo noon si Wilma, mahal niya iyon. Kahit spoiled siyang bata, sumunod pa din siya sa gusto ng kaniyang mga magulang ng sabihing nakatakda siyang ikasal sa iba." Ako kaya? Magagawa din kaya akong mahalin ni Alwin? Kulang na lang idikta niya lahat ng kilos na gagawin ko eh. Nginitian ako ni manang. "Huwag kang mag-alala, magiging maayos din ang lahat," aniya. Hinaplos pa niya ang mga kamay ko. "Good morning, my daughter in law." Nagulat ako s biglang pagdating ni mommy Wilma. Si manang ay mukhang hindi man lang nagulat. "Good morning, mommy," bati ko pabalik at nginitian siya. Pero hindi siya ngumiti. Nakatingin lang siya sa akin at mukha siyang galit. "Manang, tawagin mo si Alwin," utos niya kay manang. Bigla tuloy akong kinabahan. Mabilis kong nilapitan ni mommy, una niyang tinignan ay ang mga binti ko, mga braso hanggang sa aking mukha. Umiling-iling siya at mukha siyang dismayado. "Sa maids quarter ka ba natulog?" tanong niya. Hindi ko puwedeng sabihin ang totoo dahil ayaw kong magalit siya kay Alwin. Mabilis akong umiling-iling. "H-Hindi po, mommy," sagot ko at mabilis umiling. Mukhang hindi siya naniniwala sa akin. . "Mom." Napabaling ang tingin namin ni mommy kay Alwin na parating. Bagong gising lang siya, medyo magulo ang buhok niya at nakasuot siya ng tshirt at board shorts. Tinignan siya ng seryoso ni mommy, tinignan din ako ni Alwin. Mukha na siyang galit sa akin. Baka iniisip niya na nagsumbong ako sa mommy niya. "Sa maid quarters mo siya pinatulog?" tanong ni mommy sa seryosong tono. Hindi sumagot si Alwin, nakatingin lang siya ng seryoso. "Hindi po, mommy," wika ko. Ayaw kong magalit pa sa akin si Alwin at baka kung ano pa ulit ang gawin niya. "Huwag mo na siyang pagtakpan," aniya. Hindi sumagot si Alwin. Nanatili siyang tahimik. "Manang, ilipat mo ang mga gamit ni Pauline sa kuwarto ni Alwin," utos ni mommy kay manang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD