May dala na pagkain si mommy kaya naman hindi ko na tinuloy ang pagluto ko ng almusal ni Alwin.
Seryoso sila ng mommy niya, nakaupo kaming tatlo sa harap ng hapag.
"Alam ko kung ano ang nangyayari sa inyo, kaya naman pumunta ako agad dito."
Bumuntong hininga si Alwin at hindi umimik. Binaba ko ang tingin ko at sinimulang kumain. Masarap ang mga dalang pagkain ni tita kaya naman ganado akong kumain.
"Dapat nagsasama kayo sa iisang kuwarto. Para saan pa na nagpakasal kayo."
Wala pa ding imik si Alwin, ako naman ay nagbaba ng tingin. Hindi ko na lang sila pinansin pa.
"Remember, son. Ikaw ang nagsabi na magpakasal kayo ni Pauline. You're a man for doing that. Pero sana bigyan niyo ng pagkakataon ang pagsasama niyo na maging maayos."
"Okay, let's eat."
Kumakain ako pero lumilipad ang utak ko. Parang ang hirap pala ng pinasok ko. Ang hirap pala magkaroon ng asawa.
Nagsisisi ba ako?
Of course, not.
Magsisisi ako kung wala akong ginawa. Gagawin ko ang lahat para maging maayos kami ni Alwin.
Gagawin ko ang lahat hanggang sa magkaroon na din ako ng puwang sa buhay niya at matutunan na niya akong mahalin.
Nang matapos kaming kumain ay tinanong ni mommy kay manang kung nasa kuwarto na ba ni Alwin ang mga gamit ko.
Nginitian niya ako at tinapik sa aking balikat. Si Alwin naman ay nailing lang na tila ba iniisip niya pinagkakaisahan namin siya ng mommy niya.
"Dito titira si Almira," sabi ni mommy kay Alwin.
"Mom."
"Hangga't hindi ko nalalaman na hindi kayo nagiging maayos ni Pauline, dito siya titira. Don't try to bribe her also."
Walang nagawa si Alwin at natahimik na lang. Mukhang hindi talaga niya kinokontra ang mga sinasabi ng mommy niya.
"I'm done here. May meeting pa ako," wika ni Alwin at agad ng tumayo.
Tinignan lang namin siya habang naglalakad paalis ng dining.
"Don't worry, I got your back, always," ani mommy. Nginitian ako at inakbayan.
"Thank you, mommy."
"Buti na lang hindi sumama ang mommy mo. I'm sure mag-aaalala iyon sa'yo lalo sa mga pantal ng lamok sa katawan mo. I'm sorry, hija."
"Ayos lang po ako."
"No, paano kung ma-dengue ka. Oh God."
Nangiti ako sa pagiging concern niya sa akin. Sana si Alwin din maging concern sa akin.
Kahit bilang tao man lang.
"Mommy, ano pala ang ginawa mo no'n para magustuhan ka ng asawa mo?" tanong ko. Baka makatulong ang mga nagawa niya noon para naman mahalin ako ni Alwin.
"Noong una, pinagsisilbihan ko siya. Hindi niya ako nakikita bilang isang asawa. Kaya noong nagsawa ako sa mga ginagawa kong effort. Naku, sinabayan ko nga siya. When he notice it. He confronted me. Maybe she wants a responsible wife. Paano ko gagawin iyon kung hindi naman siya responsableng asawa."
"Ikaw po ba ang unang nagmahal?"
"No. Siya."
Mukhang wala talaga akong pag-asa..
"Mula noon, lagi na siyang nag-e-effort. Niligawan pa niya ako," usal niya at natawa.
"Don't worry. Mamahalin ka din ng anak ko."
I really hope so.
Umalis din agad ang mommy ni Alwin kaya naman sumunod na din ako sa silid niya para maayos ko ang mga gamit ko.
Pagbukas ko ng pinto ng kaniyang kuwarto ay sinalubong ako ng malamig na temperatura galing sa aircon.
Dahan-dahan akong naglakad at bumungad sa akin ang panlalakeng silid niya. Parang kahapon lang napaka-imposibleng magsama kami sa iisang kuwarto pero ngayon, heto na ako.
Nilibot ko ang tingin ko sa buong paligid. Hinahanap ko kung saan nakalagay ang mga gamit ko.
Napukaw ng atensyon ko ang picture frame na nasa night stand.
Nasa ilang metro ang layo nito sa akin pero hindi ako maaring magkamali.
Sumikdo ang t***k ng puso ko at medyo nanginig ako.
Hindi ko maintindihan ang sarili ko pero alam ko kung ano ito. Nagseselos ako.
Nilapitan ko ito at tinignan ng maayos.
Ang isang frame ay larawan ng babae half body ang kuha. Maganda siya, may magagandang features sa mukha.
Bakit nga ba nawala sa isip ko na may mahal nga pala si Alwin kaya pinakiusapan niya ako noon na umurong sa kasal.
Ang isang frame ay picture nilang dalawa. Nakaharap sa camera ang babae at si Alwin naman ay hinalikan siya sa kaniyang pisngi. Sobrang sweet nila.
Kita din sa mukha ng babae kung gaano siya kasaya at ka-inlove kay Alwin.
"Don't you dare touch that!" Napatalon ako sa gulat sa biglang pagsigaw ni Alwin.
Hindi ko nga hinawakan at nagkasya na lang akong silipin ito.
Humakbang ako palayo sa night stand. Kita ko ang seryosong mukha ni Alwin.
At hindi lang iyon, kita ko kung gaano siya ka-hot sa itsura niya ngayon.
Nakatapis siya ng tuwalya at tila ba nang-aakit ang macho niyang katawan para himasin ko.
"Tsk. Huwag mo ng tangkain. Hinding-hindi kailanman ako papatol sa'yo," mapang-uyam niyang wika at tumalikod na.
Nangilid ang mga luha ko. Napakasakit talaga sa kalooban ang ginagawa niyang pag-trato sa akin.
Tila ba nandidiri siya sa akin. Nagpunas ako ng luha at agad nilapitan ang maleta ko na nasa tabi ng couch.
Saan ko naman kaya ilalagay ang mga gamit ko at baka kahit sa walk in closet niya ay hindi din welcome ang mga gamit ko.
"Sa couch ka matutulog," aniya, nasa pinto siya ng kaniyang walk in closet habang inaayos ang kaniyang belt.
Hindi naman ako nag-assume na hihiga ako sa tabi niya.
"Wala ka namang pakialam sa akin, baka puwedeng hayaan mo akong mag-aral," buong lakas kong sinabi.
Sumeryoso siya ng tingin sa akin. Hindi naman siya galit, tila nag-iisip siya.
Bumuntong hininga siya at naglakad diretso sa pinto. Hindi ba talaga niya ako kakausapin tungkol sa set up namin dito?
"Mag-usap tayo pagdating ko," aniya at sinara na ang pinto.