Nag-practice akong magluto ng sinigang at mag-prito ng sunny side up na itlog ng sumapit ang alas-onse ng tanghali. Hindi talaga gano'n kadali para sa akin ang pagluluto. Bakit parang ang simple lang nito kapag pinapanood ko si Manang na ginagawa ito. Bakit kapag ako, parang ang hirap. Bumuntong hininga ako saka nagpunas ng tumatagaktak na pawis sa aking mukha. Didn't know that cooking a sunny side up egg would be this hard. ''Manang, nakita mo na po ba iyong nobya ni Alwin? Iyong nasa picture frame?" tanong ko. Hindi agad sumagot si manang kaya naman nilingon ko siya. Bumuntong hininga siya. Tila ba ayaw niya sa topic o sadyang ayaw lang niyang magkuwento dahil iniisip niy na masasaktan ako. "Ang mahalaga, hija, ikaw ang pinakasalan." Iyan ang sagot niya. "Hindi naman po ako masa