Alas-sais ng makarating kami dito sa condo ni Almira. Maliit lang ito at sakto lang talaga para sa mga nag-so-solo. Bigla tuloy akong nainggit dahil nagagawa niya ang mga bagay na ito. Nag-iisa lang kasi ako na anak kaya naman hindi ko puwedeng iwanan ang mga magulang ko para mamuhay mag-isa. Naisip ko pa talaga ang bagay na iyon, samantalang heto nga at hindi pa nakapagtapos ng pag-aaral ay nag-asawa na. "May mga pantal ka kasi sa balat. Dapat conservative type ng dress ang isuot mo," ani Almira habang tinitignan ang kaniyang wardrobe. Nakaupo lang kami ni Cecilia habang kumakain ng pasta at pizza. Ito na ang dinner namin. "Madami bang pantal ang binti mo?" tanong ni Almira. "Magaling na. Mabisa ang ointment na pinahid ni manang. Ang braso ko lang ang medyo nagkasugat," sagot k