Matagal-tagal na din kami sa dance floor, medyo masakit na nga ang binti ko sa pagsayaw, nakaramdam na din ako ng pagkahilo dahil sa halo halong alak na nainom ko. May mga kakilala kasi si Almira na lumalapit sa amin sa dance floor at nag-aabot ng alak. Palalim na ang gabi kaya naman mas nadagdagan pa ang mga taong nagsasayaw sa dance floor. Mas naging wild na din ang music na mas lalong nagpa-wild sa mga taong nandito para magsaya at mag-enjoy. Madami na ang mga lasing at halos hindi na kaya ang mga sarili nila. May mga sweet couple sa iba't-ibang sulok ng club. May mga nag-me-make out na din sa mga couch pati sa dancefloor. Tila wala na silang pakialam pa kahit may mga taong nakakakita sa kanila. May mga lalake na ding mga manyak at pasimpleng nanghahaplos, hawak, at hipo sa i