"Pinikot mo siya. Magkasabwat kayo ng mommy niya," akusa niya. Like she was so sure about everything. Paano niya nalaman? Did Alwin know about it too? "Sa tingin mo bakit ka niya pinakasalan? Hindi ka ba nagtaka?" Sumikdo ang t***k ng puso ko. Ngumisi siya, tila ba nahuli niya ako sa mga salita niya. "Hindi mo alam, 'di ba?" tanong niya habang nakangisi. Maarte siyang humigop sa kaniyang frappe. "What do you know?" tanong ko. Tingin ko madami siyang nalalaman. Sinabi ba ni Alwin sa kaniya? Nanginginig na ang katawan ko dahil sa halo halong emosyon na nararamdaman ko pero I am so eager to know what this woman is about to tell me. "Ang kompaniya niyo ang top 2 sa mga leading companies sa Asia, ang kompanya niyo din ang pinakamalaking partner ng kompanya ng Montenegro. May 36%

