Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa akin, nakakasilaw, kaya naman nagtalukbong pa ulit ako. "Wake up, wife." Dinig ko ang boses ni Alwin. Tinanggal ko ang nakatalukbong kong kumot at nakita ko siya na bagong paligo na. Namula ang pisngi ko ng maalala ko ang nangyari sa amin kagabi. We really did it. Hindi lang isa kundi paulit-ulit niya akong inangkin kagabi. "Anong oras na?" tanong ko. Nag-iwas ako ng tingin dahil sa pilyo niyang mga ngiti. "Eleven," sagot niya. Shit! Tanghali na pala. Gustuhin ko mang bumalikwas ng bangon pero hindi ko magawa. Masakit ang buo kong katawan. "Pinaghanda kita ng mainit na tubig na paligo mo," aniya. Nangiti ako. Wow! I really can't believe na napaka-sweet niya sa akin. Kung puwede lang sana na pang-habang buhay na kaso hindi pu

