OMEGA'S KEY

1212 Words
"Maari ka nang umuwi at hindi sumali sa dinner party ngayong gabi," sambit ng Supervisor nila at napanganga naman ang mga nakarinig nito. "Sir! Bakit siya pwede hindi sumali?" gulat na tanong ng isang beta. Walang emosyon naman na tumingin ang omega naming supervisor sa lalaking beta at saka nito sinabing, "Kung gusto ninyo na magalit ang mga omega sa circle nila sige, isali natin siya. Alam na ninyo na isang omega si Haru at alam ninyo ang omega circle's get together kaya bakit ninyo siya pipigilan?" "Sir…" "Isa pa, ang bumuo ng circle na kinabibilangan ni Haru ay hindi basta bastang tao. Gusto ba ninyo na magalit ito?" Kaagad na napalunok ang mga beta ngunit binigyan nila ako ng masamang tingin. Napakagat na lamang ako ng labi dahil hindi ko alam kung bakit binibigyan nila ako ng masamang tingin. "Makakaalis ka na," sambit ng Supervisor namin at tumango naman ako. Nagpalit na muna ako ng pang-itaas at saka ako umalis sa locker room. Hindi ko kaya na magtagal pa roon dahil hindi ko kaya ang atmosphere. Mabuti na lamang at walang alpha sa lugar na iyon. Kaagad naman ako na nagtawag ng taxi at sinabi sa driver kung saan ako pupunta. Ipinikit ko ang aking mga mata at saka napaisip. Ang mga Alpha, given na sa kanila ang may mga magagandang mukha, katawan, at buhay. Mga matatalino sila at talagang leader type kaya hindi na iyon nakakapagtaka. Ang mga beta naman ay kayang mabuhay ng walang balakid dahil hindi sila naaapektuhan ng mga pheromones pero kaming mga omega hindi. Sa social heirarchy, kaming mga omega ang pinaka mababa. Masaya at maganda lang naman maging omega kung may pamilya na sumusuporta sa iyo. Hindi gaya ng pamilya na pinanggalingan namin. Sabi ng iba na ang omega na mahihirap ay tanging mga alpha na mayayaman lamang ang makakapagligtas sa kanila, siguro sa kanila pero sakin hindi. Kapag naiisip ko na haharap ako sa isang Alpha pakiramdam ko ay nanginginig na ako sa takot at galit. "Sir nandito na po tayo," sambit ng lalaking driver. Kaagad naman ako napabalik sa ulirat ko nang magsalita si kuyang driver. Nagbayad na ako at saka lumabas ng kotse at pinanood ko ang kotse na lumayo. Napakunot ang noo ko dahil pakiramdam ko hindi naman taxi ang nasakyan ko. "Uh… did I make a mistake?" tanong ko sarili ko. Umiling na lang ako at saka pumasok sa loob ng mansyon ni Kenji. Ang get together ay laging ginagawa ng mga omega at mas marami, mas malaking gastos. Sa circle na binuo ni Kenji ay lima lang kami kaya okay lang kahit saan kami mag get together. "Finally, nandito ka na rin!" kaagad na bulalas ni Rayle nang makarating ako sa living room. "Oh, am I the only one missing?" I asked. Normally kasi ako lagi ang nauuna since ako ang lagi nilang inaalala. Lagi rin kaming sa place ko nag ga-gather kaya naman hindi rin ako nagkakaproblema. "Nope, Kasumi still not here," sagot naman ni Aoi at naglagay ng pagkain sa vanity table. Tumulong na lang ako sa paggawa ng kakainin namin at inilagay na rin naman ni Kenji ang beer in can na iinumin namin. Ilang sandali pa naman ay dumating na rin si Kasumi and he looks so mess. Nagkatinginan muna kaming apat nang makita namin si Kasumi at saka na lang kami bumuntong hininga dahil malalaman din naman namin ito mamaya. Nagsi-upuan kami sa sahig at nakapalibot sa coffee table maliban kay Aoi na nakaupo sa isang upuan dahil sa tiyan niya. Hindi rin siya iinom ng beer at juice lang dahilan para mainggit siya sa amin. "Ah, gusto ko rin uminom ng beer," naiiyak niyang sabi sa amin, tumawa lang naman kami. "Pag ako talaga nganak na at pwede na uminom, iinom talaga ako hanggang sa hindi ko na kaya," pagbibiro pa niya sa amin. Napailing na lang kami dahil alam naan namin na hindi rin naman iyon mangyayari. Natahimik kami dahil alam namin na magsisimula na kaming magsalita at nagbago na rin naman ang atmosphere sa paligid namin. "Kasumi, did you fight with those bastards again?" nag-aalalang tanong ni Kenji. Sandali na napatigil si Kasumi sa pag-inom ng beer at saka naman humigpit ang hawak niya sa beer in can. "Yeah…" mahina niyang sagot nang maibaba niya ang beer in can na hawak niya. "Ayaw nila ako tigilan sinabi ko na sa kanila na gusto ko nang tumigil sa pagiging host pero ayaw nila ako bitawan…" Nakita namin ang pagtulo ng luha ni Kasumi at pakiramdam ko naman ay hindi lamang ang pag-quit niya sa pagiging host ang problema niya. "May iba pa hindi ba?" tanong ko naman at tumingin siy sa 'kin. Napangiti ito. "Hindi ko alam pero pakiramdam ko talaga Haru may superpowers ka." Natatawa n'yang sabi pero hindi ako natawa. I'm just sensitive to someone's emotion since I have to look for it. "Pakiramdam ko lang naman may iba pang dahilan," sabi ko, umiling naman siya ngunit nakangiti pa rin. His hands tremble as he sipped his beer in a can on his hand. I, Aoi, Rayle, and Renji looked at each other. Alam naman namin na hindi pala-kwento si Kasumi but we want him to be able to open his own problem to us. Nagpatuloy pa ang aming pag-uusap usap hanggang sa matapos ang beer namin at nagpasya nang matulog. Lights off na pero wala pa rin ang antok ko, siguro dahil sa dami ng iniisip ko or siguro… "You're still awake at this hour?" tanong ng isang boses and I know that it's Aoi. Siya lang naman ang hindi lasing sa amin. Bagsak na sina Kenji. "Can't sleep," sagot ko at saka ngumiti sa kaniya. "Still having a nightmare?" he asked. Hindi ako agad nakasagot pero tumango na lang ako dahil alam ko na alam na rin naman nila ang dahilan kung bakit lagi akong late matulog. "I still can't get away from that scene…" malungkot kong sabi at saka tumingala at tumingin sa kalangitan. "It feels like I am trapped," I added. Hindi naman kaagad sumagot si Aoi at saka siya naglakad at tumayo sa tabi ko. "I know it's been hard for you through out this years but… Akira won't like it," he added. I just smiled at Aoi. "Matulog ka na bawal sa iyo ang magpuyat," sambit ko at saka siya pinabalik sa loob. Ngumuso naman siya. "Parehas kayo ni Takeru," inis niyang sambit at mahina lamang ako na natawa. Nang umalis na si Aoi ay nawala na ang ngiti sa labi ko. Bukod sa Alpha nila at sa mga pamilya nilang Alpha wala na akong ibang kinakausap o pinapakisamahan. Mga Alpha na alam ko na walang masamang balak sa mga omega. Kenji and Aoi's Alpha are really kind and they really love them with all their heart and soul. Ako kaya? Kelan kaya ako makakahanap ng Alpha na kagaya nina Ryo at Takeru? 'Yung klase ng Alpha na hindi ako susukuan? Malabo ata. Bukod kina Ryo, Takeru, at Asahi wala na akong ibang Alpha na kilalang may magandang relasyon sa kanilang Omega. Napatingin naman ako cellphone ko at nakita ko ang oras kaya napabuntong hiningan lang ako at saka ito pinatay muli at pumasok na sa loob upang matulog. I still have work tomorrow.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD