Chapter 4

1769 Words
Gustong gantihan ng yakap ni Gavin si Phrylle nang mga oras na iyon, ngunit pinigilan ito ang sarili baka kung ano ang isipin nito. Hinayaan muna niya itong nakayakap sa kanya, alam niyang natakot ang dalaga sa nangyari, at kung may nangyari man dito ay hindi niya mapapatawad ang sarili, lalu na't pinagkatiwala ito sa kanya ng ama nito. Hinayaan na lang muna an kumalma ang dalaga. Nasa ilang minuto rin ang tinagal nila sa posisyong iyon, bago kumalma si Phrylle, inilayo ang katawan nito kay Gavin. "Sorry " naisatinig ni Phrylle, dahil ngayon lang niya napagtanto na nakayakap pala siya kay Gavin, dala na siguro ng takot niya sa nangyari kanina. "It's okay," tipid na sagot naman ni Gavin. "Thank you nga pala," wika ni Phrylle. "Walang anuman, trabaho ko ang bantayan at protektahan ka." sagot naman ni Gavin sabay bukas sa pintuan ng sasakyan para kay Phrylle. Hindi na nagsalita pa si Phrylle, at sumakay na lang ito. Tahimik sila sa buong beyahe, hanggang sa marating nila ang bahay nila Phrylle. Agad na bumababa si Phrylle. Hindi na ito nagpaalam pa kay Gavin. Kinuha naman ni Gavin ang mga gamit ni Phrylle at binigay ito sa kasambahay, at nagpaalam na rin siya. Habang nasa beyahe si Gavin ay hindi pa rin mawala sa kanyang isip kanina ang nangyari, lalu na ang eksena nila kanina ng dalaga. Ibang pakiramdam ang kanyang naramdaman dito, pakiramdam na parang hindi mawala sa kanyang isipin at katawan. Tinawagan nito si Matt na hindi na siya pupunta ngayon sa training nila dahil gusto na niyang umuwi at magpahinga. Sa dami nang nangyari ngayong araw sa kanya, hindi niya alam kung ano pa ang susunod na mangyayari na dapat niyang paghandaan. -- Agad na naligo si Phrylle, pagdating nito sa kanyang room, parang dumikit yata sa kanyang katawan ang pabango ni Gavin. Parang pakiramdam niya ay nakadikit pa rin ang kanyang katawan sa matitipunong katawan nito. "Ahhhh!" sigaw ni Phrylle, dahil sa kung anu-ano na lang ang kanyang naiisip. Hinayaan lang niyang dumaloy ang malamig na tubig mula sa shower na dumidikit sa kanyang makinis na kutis. Gusto niyang kalimutan ang nangyari kanina lalu na sa kanila ni Gavin. --- Agad namang nakarating si Gavin sa kanyang condo hindi na muna siya umuwi sa kanilang bahay, dahil gusto muna niyang mapag-isa. Agad siyang naghubad at kahit isang damit ay wala siyang tinira. Nagtungo agad siya sa banyo para maligo agad niyang binabad ang kanyang katawan sa malaking jacuzzi na naroroon, pinikit nito amg kanyang mga mata habang iniisip ang mga nangyari sa kanya sa araw na ito. Hinding-hindi niya inakala na ganito ang mangyayari sa kanya. Sa tanang buhay niya ay hindi niya pinangarap na maging ganito, pero huli na ang lahat dahil nasimulan na niya. --- Tinawag ni Rhylle ang kanilang kasambahay dahil may gusto itong itanong. "Yes, Ma'am, pinatawag n'yo raw po ako?" tanong agad nang kasambahay nito ng makapasok na ito sa room ng dalaga. "Manang, ano bang pangtanggal ng amo?" tanong agad ni Phrylle. "Anong amoy po?" tanong naman ng kasambahay nito dahil naguguluhan ito kung anong amoy nga ba ang tinutukoy ng amo nito. "Amoy ng lalaki." agad na sagot nito sa matanda. "Lalake?" kunot noong tanong matanda dahil sa sagot nito. "Oo." sagot naman ni Phrylle. "A-eh..Ma'am, sorry pero kaninong amoy po ba 'yang tinutukoy mo?" tanong nito. Nag-isip naman si Phrylle kung sasabihin nito kung sino ang tinutukoy niya baka pagtawanan lang siya nito, kung bakit napunta sa kanya ang amoy ni Gavin. "Ah..wala...wala, Manang, makakaalis ka na," ani Phrylle sa matanda. --- Halos dalawang oras na atang nakababad si Gavin sa jacuzzi nang maisipan nitong umahon na, tanging boxer lang ako suot nito. Agad itong nagsalok ng mamahaling alak at isahang nilagok ito. Gusto lang naman niyang kalimutan ang nangyari sa kanya. Hindi niya akalain na ang isang Gavin ay naging bodyguard ngayo, nagsalok ulit ito ng alak at sunod-sunod niya itong ininum. --- Kinabukasan, himbing pa rin ang tulog ni Gavin, ingay ng kanyang cellphone ang nakagising sa kanyang mahimbing napagkatulog. Agad niya itong tiningnan ng makita kung sino ang caller, agad na napabalikwas si Gavin at sinagot ito. "Hello?" sagot agad nito. "Hoy, anong oras na, kapag ako na-late humanda ka sa akin!" galit na sigaw ni Phrylle. "On the way na!" galit na sagot ni Gavin sabay pinatay ang linya. "Put*ng*na! ang malaya kong oras noon ngayo'y naging kumplikado na!" galit na ibinato ni Gavin ang cellphone at nagtungo ito sa banyo para maligo. Dali-dali itong naligo at nagbihis, sabay baba na ng bahay. "Sir, mag-aalmusal po ba kayo?" tanong ng kasambahay nito. "Hindi na, Manang, lintek na buhay ito!" ani Gavin sabay nagmamadaling sumakay sa kanyang sasakyan. Agad naman nitong pinaharurot ang sasakyan. Ngayon lang niya naisip bakit na takot na takot siyang ma-late sila eh siya ang boss. Napasuntok na lang siya sa manobela ng kanyang sasakyan sa inis ni hindi na siya nakapag-almusal man lang. Agad nitong tinawagan si Matt. "Yes, Boss, good morning." bati nito agad kay Gavin. "Anong good sa morning, put*ng*na na buhay ito, mag-order ka ng almusal ko at dahil mo sa office!" utos nito kay Matt. Hindi na nito hinintay pa na sumagot ito pinatay na nito agad ang tawag, at mabilis na nitong pinatakbo ang sasakyan papuntasa demonyetang amo. --- Inis na inis na naghihintay si Phrylle kay Gavin, lakad dito lakad doon ang kanyang gingawa habang naghihintay na dumating ang bodyguard nito. Ilang sandali pa ay nakita na nitong pumarada ang sasakyan nito agad niyang nilapitan ito. Binuksan naman ni Gavin ang pintuan para sumakay na ito. "Anong klaseng bodyguard ka, alam mo ba kung akong oras na? kapag ako na-late humanda ka!" banta ni Phrylle kay Gavin. "P'wede ba tumahimik ka?" inis na sabi ni Gavin, wala siya sa mood dahil masakit ang ulo niya, dahil sa alak na ininum nito kagabi. "Ako pa talaga ngayon ang manahimik, at ikaw pa talaga may gana na magalit?" singhal nito kay Gavin. "Hindi ka pa talaga titigil? ibaba kita rito!" banta nito. Gigil na nanahimik si Phrylle sa likuran ni Gavin. Napataas naman nang kilay si Gavin ng napatahimik niya ito. "Mamaya ka lang gagantihan kita!" sa isip ni Gavin. Agad namang nakarating sila Gavin sa kumpanya nito. "Akala ko ba takot kang ma-late bakit hindi ka pa bumababa?" kunot kilay na tanong ni Gavin kay Phrylle ng makita nitong hindi ito gumagalaw sa kinauupuan. "Aba hindi mo ako ipagbukas ng pinto?" tass kilay din nitong tanong. "Aba wala ka bang kamay?" tanong ni Gavin, dahil wala talaga siyang balak ipagbukas ito ng pinto. "Aba, ako ang boss dito!" galit na wika ni Phrylle. "Bahala ka, kung hindi ka bababa talagang ma-le-late ka na!" sagot naman ni Gavin. "Haist! may araw ka rin sa akin!" ani Phrylle, at nagdadabog itong lumabas ng sasakyan sabay pasok sa loob ng building. Nang makita ni Gavin na nakaakyat na si Phrylle at saka siya pumasok sa kanyang kumpanya at pumunta sa private elevator na siya lang ang gumagamit dito. Tinawagan muna ni Gavin si Kat, at inutusan nitong pumunta sa HR para kunin ang report doon, para makapasok siya sa kanyang opisina na hindi siya makikita ni Phrylle. Agad namang sinunod ni Kat ang utos ni Gavin, at tumalima naman si Phrylle sa sinabi ni Kat. Dali-daling pumunta si Gavin sa opisina nito. Nadatnan niyang nandoon na si Matt, at nakaprepare na ang kanyang almusal. "Mabuti at nandito ka na." ani Gavin kay Matt. "Takot ko lang sayo." sagot naman nito. Agad na kumain si Gavin, dahil gutom ito. Hinayaan lang ni Matt ang binatang bods nito na kumakain. Hindi na nito kinulit pa dahil baka makatikim na naman siya ng di oras. Hanggang sa matapos ito. Tinawagan ni Gavin si Kat na ilapag at ipagawa lahat kay Phrylle ang mga report at kailangang matapos niya ito within two days. Saka nito binaba ang telepono. Kitang-kita naman ni Gavin ang reaksyon ni Phrylle sa sinabi ni Kat sa kanya. Napapangiti naman si Gavin, dahil sa ganitong paraan makakaganti siya at matuturuan pa niya ito. "Ha? seryoso ka?" ako lahat gagawa nito?" paniguradong tanong ni Phrylle. "Yes, iyan ang utos ng boss natin." sagot naman ni Kat. "Talaga bang ganyan mag-utos ang boss natin?" inis na tanong ni Phrylle. "Basta iyan lang ang sinabi niya kaya susundin na lang natin." ani Kat. "Within two lang talaga? Ano ako may magic?" inis na inis na sabi ni Phrylle. "Kapag nakita mo na lang siya, ikaw na magsabi niyan." ani Kat, at pinagpatuloy na nito ang ginagawa. "Makita lang talaga kitang matanda ka itutulak kita sa hagdan!" galit na banta ni Phrylle. Napangiti na lang si Kat sa sinabi nito. --- "Kapag inahtid ko na si Phrylle, dadaritso na ako sa training." ani Gavin kay Matt. "Sige, hihintayin ka namin mamaya." sagot naman ni Matt. Dahil oras na ng uwian, nauna ng bumaba si Gavin para hintayin sa baba si Phrylle. Nakita na nitong papalapit na sa kanya ang babae, gaya kanina ayaw niya itong ipagbukas ng pinto. Kaya sumakay na lang ito ng kusa. "Daan tayo sa mall may bibilhin ako." ani Phrylle. "Ok." tipid na sagot naman ni Gavin. Naisip na naman nitong baka siya na naman ang magbabayad sa mga bibilhin nito. Narating nila ang naturang mall, nauna nang bumaba si Phrylle agad namang sinundan ito ni Gavin. Habang sinusundan ni Gavin si Phrylle ay natatawa ito. "Tatawa-tawa ka diyan!" ani Phrylle. "Iyang damit na sulot mo, may tag price pa hindi mo pa 'yan nilabhan sinuot mo na?" sagot naman ni Gavin. Parang gusto nang matunaw ni Phrylle sa hiya, kung bakit kasi hindi man lang niya tiningnan ito bago nito sinuot ang damit. Ang nakakahiya pa ay nalaman nitong hindi pa nilabahan ang suot na damit. "Gavin?" tawag nang isang babae kay Gavin at lumapit ito sa kanila. Taas kilay namang tiningnan ni Phrylle ang babae na papalit sa kanila. Halos kita na ang kaluluwa nito sa suot samantalang siya may tag price pa at hindi pa laba ang suot niya. "Pia!" wika naman ni Gavin ng nasa harapan na nila ito. Agad na kumapit sa braso ni Gavin si Pia nakinainis naman ni Phrylle. "Let's go!" ani Phrylle kay Gavin. "Sino ka?" tanong naman ng babae kay Phrylle. "Wala kang pakialam kung sino ako!" mataray na sagot ni Phrylle dito. "Hoy, babae may lakad kami ni Gavin kaya mag-isa ka!" singhal nito kay Pia. "Ah talaga ba?" ani Phrylle sabay harap nito kay Pia at sinuntok nito ang mukha nang walang pakandungan. Nagulat naman si Gavin sa ginawa ni Phrylle. "Phrylle!" sigaw ni Gavin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD