Chapter3

2840 Words
Napahinto si Phrylle sa narinig mula sa lalaking bumati kay Gavin. Hindi naman alam ni Gavin ang gagawin dahil sa pagbating iyon ng kanyang employee. Napakunot noo siya kung ano ang sasabihin dito. "Good morning, too," agaw eksenang singit ni Matt na kararating lang, at nasa likod ito ni Gavin. Kinindatan ni Matt si Gavin. Alam na nito ang ibig sabihin agad niyang inakbayang ang lalaking bumati kay Gavin papasok sa building. Dumiretso naman si Phrylle sa loob. Kinabahan naman si Gavin dahil muntik na siyang mabisto. Hinintay muna niyang makaakyat si Phrylle, bago siya aakyat sa kanyang opisina. Tinawagan nito ang kanyang secretary na paakyat na si Phrylle. Alam na nito ang gagawin dahil binilin na niya ito. "Nasaan ka na?" tanong ni Matt kay Gavin nang tawagan niya ito. "Paakyat pa lang. Ikaw, saan ka?" tanong naman ni Gavin kay Matt. "Sa opisina mo," sagot naman nito. "Sige, paakyat na," ani Gavin. Agad siyang nakarating sa taas dahil may sarili siyang elevator na siya lang ang nakakagamit noon. Ayaw na ayaw niyang may kasabay siya, at mas lalong ayaw niyang pahinto-hinto ito. Kaya iba ang kanyang ginagamit at sa mga employee niya. Sinilip muna ni Gavin ang hallway palinga-linga muna siya na animo'y magnanakaw sa sarili niyang kumpanya. Ewan bakit niya tinanggap ang mission na ito. Tuloy ay siya ang nahihirapan sa kanyang pinaggagawa. --- "Ate, nasaan po ang restroom dito?" tanong ni Phrylle sa secretary ni Gavin. Parang nakalimutan niyang maglagay ng eyeliner kaya maglalagay siya. "Diretso ka lang tapos right side," sagot naman ni Kat kay Phrylle. "Sige, salamat!" ani Phrylle at umalis na siya. Nakatingin naman sa kanyang cellphone si Phrylle, habang naglalakad ito patungo sa restroom. "Anak ka ng tatay mo, Phrylle!" ani Gavin nang makasalubong niya ito. Agad siyang nagtago sa halaman na nandoon. Kamalasan pa ay nauntog siya. Napatuptop ng noo si Gavin sa nangyayari sa kanya ngayong araw. Unang araw pa lang ito ng kanyang mission ay nagkandamalas-malas na siya. Nang makita niyang nawala na sa paningin niya ang babae ay agad siyang patakbong pumasok sa kanyang opisina. Daig pa niya ang magnanakaw sa mga oras na iyon. "Oh, bakit anong nangyari sa'yo?" nakangiting tanong ni Matt na kanina pa naghihintay sa kanya sa loob ng kanyang opisina. Nakita niyang hiningal si Gavin sa pagpasok. "Tigilan mo ako. Huwag na huwag mo akong tawanan dyan!" ani Gavin sabay upo sa kanyang upuan. "Tandaan mo unang araw pa lang ito, mukhang maraming labanan ang mangyayari…" pang-aasar ni Matt kay Gavin. "Gusto mo ng isang daang push-up?" tanong ni Gavin kay Matt. "Sorry na! Nagbibiro lang…" ani Matt sabay tahimik nito. Napahawak si Gavin sa kanyang noo na nauntog kanina. Napailing na lang siya talaga. Dahil may part na glass ang opisina ni Gavin nakikita nito ang tao sa labas, ngunit hindi siya nakikita sa loob. Kitang-kita niya si Phrylle na tinuturuan ni Kat. Panay ayos nito sa damit dahil bukod sa maiksi ito ay halos kita pa ang kaluluwa nito. Tinawagan ni Gavin si Kat, para sabihin nito kay Phrylle na huwag ulit magsusuot ng ganoon sa opisina. "Ms. Phrylle, sa susunod huwag ka na magsuot ng ganyang damit dahil mahigpit na pinagbabawal sa kumpanyang ito ang pagsusuot ng ganyang damit," mahinahon na sabi nito. "Bakit naman bawal?" taas-kilay na tanong niya kay Kat. "Ayaw kasi ng boss natin ng ganyan," sagot naman nito. "Saan ba siya?" tanong nito kay Kat. "A-ah...wala siya ngayon dito.l," nauutal na sagot ni Kat. "Wait lang, matanda ba ang boss natin, ilang taon na?" tanong ni Phrylle dito at nakapamaywang pa ito. "Hindi pa naman matanda. Sakto lang," sagot ni Kat. "Kaya siguro ayaw sa ganitong suot dahil matanda na," pairap na sabi ni Phrylle at humarap na ito sa computer na nasa kanyang harapan at sinubukang gawin ang pinapagawa ni Kat sa kanya. Makikita pa lang niya ang tambak na gagawin sumasakit na ulo niya parang hindi niya makakaya. --- "Hoy! Mata mo baka matunaw boss mo," pang-aasar ni Matt kay Gavin na kanina pa nakatingin kina Kat at Phrylle. "Gag*!" ani Gavin sabay bato ng ballpen kay Matt. "Anong plano mo ngayon? Mukhang mahihirapan ka dyan," ani Matt sabay turo kay Phrylle. "Madali lang 'yan. Ako pa!" kampanteng sagot niyq. Hindi na niya sinabi na nauntog siya kanina. Tiyak na pagtatawanan lang siya nito. "Okay, sabi mo eh," sabi lang ni Matt. "Siya nga pala, mamayang gabi, may meeting tayo. Ipaalam mo sa quarters," utos ni Gavin kay Matt. "Masusunod, Sir!" sagot naman nito at tumawag na ito sa kanilang quarters. --- "Phrylle, pakidala nga ito sa opisina ni Sir," utos ni Kat habang busy ito sa computer. "Okay, sige," sagot naman nito sabay tayo papunta sa opisina ni Gavin. Nanlaki ang mata ni Gavin nang makita nitong papunta si Phrylle sa kanyang opisina. Bago pa nabuksan ni Phrylle ang pintuan ay agad na nagtago si Gavin sa ilalim ng kanyang mesa. "Sh*t!" sambit niya nang mauntog siya sa pagmamadaling makatago para hindi makita ni Phrylle. "Hi, Sir, ito ba po 'yong papers na kailangan n'yo?" ani Phrylle ng makapasok na ito. Halos naibuga naman ni Matt ang tea na iniinom sa gulat nang may nagsalita sa kanyang likuran. Nakatalikod kasi ito sa pinto. Agad na tiningnan ni Matt kung sino ang nagsasalita. Nanlaki ang kanyang mata nang makita nitong si Phrylle. Agad niyang tiningnan si Gavin sa table nito ay wala na. Alam na niya kung nasaan ito. Napangiti siya nang may kalokohan siyang naiisip. "Thank you! Pakilapag na lang dyan. Siya nga pala, hindi ako ang boss mo. Kaibigan ko ang boss n'yo. Nasa ibang bansa siya ngayon," pagsisinungaling ni Matt. "Ah, ganoon po ba?" sang-ayon naman ni Phrylle dito. Kunot noo naman si Gavin habang nagtatago ito sa ilalim ng kanyang table. "Yes, alam mo bang masungit ang boss mo at matanda na?" diin na sabi ni Matt kay Phrylle. Mas lalong kumunot ang noo ni Gavin sa sinabi ni Matt, imbes na paalisin na niya ito ay nakipagkwentuhan pa ito. Masakit na likod niya kababaluktot. "Wala akong pakialam kahit pa matanda siya!" masungit na sabi ni Phrylle. Nanlaki ang mata ni Gavin sa narinig. Talagang sinusubukan siya. "Tama! Dapat wala kang pakialam," dagdag ulit ni Matt. Inis na inis na si Gavin dahil sa usapan ng dalawa. Kinuha nito ang kanyang cellphone at nag-message ito kay Matt na palabasin na nito si Phrylle. Pinalabas naman ni Matt si Phrylle. Nang makita ni Gavin na nakalabas na ito ay agad siyang lumabas sa kanyang pinagtataguan, at hawak-hawak nito ang baywang na nangalay. "Tarantado ka! Give me one hundred push-ups!" utos ni Gavin kay Matt, bilang parusa nito sa ginawa. "Aba, wala naman akong ginagawa!" ani Matt. "Gagawin mo o dagdagan ko?" panakot ni Gavin dito. Walang magawa si Matt kundi sundin ito. Pinanood naman ni Gavin si Matt habang siya ay nakaupo sa harapan nito. Inis na inis pa rin siya sa usapan ng dalawa kanina. --- Habang nalilito pa si Phrylle sa kanyang ginagawa at sumagi pa rin sa kanyang isip ang sinabi ni Matt kanina sa kanya na matanda at masungit ang boss nila. Sa isip niya ay madali niya itong mauuto kung matanda nga ito. Sana umuwi na ito sa bansa para makilala na niya ito. --- Dahil tanghali na kaya balak ni Gavin sa labas kumain. Sinilip muna niya kung wala na si Phrylle sa table nito alam niyang kumain ito kasama si Kat. Agad siyang lumabas at saktong nakasalubong niya si Phrylle. "Gavin? Anong ginagawa mo rito?" kunot-noong tanong ni Phrylle. Wala nang pagkakataon pa na magtago si Gavin dahil kitang-kita na siya ni Phrylle. Napatampal siya sa kanyang noo. Nag-iisip kung ano ang kanyang ipapalusot sa babae. "Sisingilin ko ang bente na inutang mo!" sagot ni Phrylle dahil wala na siyang maisip pa na sagot. "Ha? Umakyat ka lang dito para singilin ako ng bente?!" napalakas na sabi ni Phrylle. Nagulat naman ang mga ibang employee na nakakakita sa kanila at sa narinig nila mula kay Phrylle sa sinabi nito sa kanilang boss. Takot na takot sila kay Gavin kapag nasa opisina ito samantalang siya ay ganoon na lang makapagsalita. "S-sir…" nauutal na tawag sa kanya ng isang employee doon. Tiningnan naman ni Phrylle si Gavin at ang lalaking tumawag sa kanya ng sir. "Tinawag mo siyang sir?" tanong ni Phrylle sa lalaki. "Magsibalik na kayo sa mga trabaho n'yo!" malakas na tinig ni Matt. Bigla na lang itong sumulpot mula sa likuran ni Gavin. Napapikit na lang si Gavin dahil sa inis. Agad naman silang nagsibalik sa kanilang mga trabaho. Nilapitan naman ni Phrylle si Gavin. "Mamaya tayo magtutuos…" pabulong ni Phrylle kay Gavin bago niya ito tinalikuran. Inis na inis siya kay Gavin. Dahil lang sa bente ay umakyat pa talaga ito para singilin siya kaya humanda ito sa kanya mamaya. "Sumunod ka sa akin!" galit na utos ni Gavin kay Matt. Pumasok sila sa meeting room at agad itong sinara. "Bakit?" tanong agad ni Matt kay Gavin. "Sabihin mo sa group chat ng company na huwag na huwag akong tatawaging sir kapag kasama o kaharap ko si Phrylle. Kung sino man ang lumabag sa utos ko, ora mismo ay palalayasin ko sa kumpanya ko!" galit na utos ni Gavin sabay pamaywang ito sa galit. "Masusunod, Boss!" ani Matt at umalis na ito sabihin ang pinag-uutos ni Gavin. Naiwang mag-isa si Gavin sa naturang room na iyon. Kung bakit pa kasi nito pinasok ang bagay na iyon. Bigla niyang naalala na may banta pa sa kanya si Phrylle at alam na niya ang sasabihin. Ano na naman kaya ang ipapalusot niya sa babae? --- Inis na inis si Phrylle habang nag-aayos siya ng pinapagawa sa kanya ni Kat. Ang dami na nga, dumagdag pa ang kanyang bodyguard na maniningil lamang ng bente. Umakyat pa talaga at malapit na siyang mapahiya! "Ms. Kat, bakit unang araw ko pa lang naman yata ngayon, ang dami na yata agad pinapagawa sa akin?" taas-kilay na tanong ni Phrylle kay Kat. "Sorry, Ms. Phrylle, iyan po kasi ang utos ni boss," sagot nito. "May picture ka ba sa boss natin?" tanong ni Phrylle kay Kat. Hindi naman alam ni Kat ang isasagot dito. Nag-isip muna ito kung ano ang mabisang isasagot sa kanya. "A-ah… hindi kasi mahilig si Sir sa mga picture kaya wala siyang picture sa akin," nauutal na sagot nito. "As in matanda na ba talaga siya?" curious na tanong nito ulit kay Kat. "Hindi naman," tipid na sagot nito. Kung mag-uusisa pa ito hindi na niya alam kung ano pa ang isasagot niya dito. Mabuti na lang at nanahimik na ito. -- Usap-usapan naman sa buong building ang natanggap nilang message mula asa group chat ng company. Ayaw nilang matanggal sa trabaho kaya susundin na lang nila ang utos ng nasa taas. -- Dahil hapon na ay oras na ng uwian. Nasa ibaba na si Gavin para hintaying bumaba si Phrylle at ihahatid nito pauwi. Nakita na niya itong palabas sa main entrance hintayin na lang niya itong lumapit sa kanyang kinaroroonan. Pinagbukas naman niya ito nang makita niyang malapit na ito sa kanya. Agad ito sumakay sa sasakyan. Hindi pa siya nakakasakay kaya kita na niya ang pait sa mukha ng dalaga. "Hindi ka na ba talaga nahihiya?!" singhal agad sa kanya ni Phrylle ng maisara na nito ang pinto. "Bakit ako mahihiya?" sagot ni Gavin. "Sa halagang bente, ipapahiya mo ako? At talangang ang kapal ng mukha mong umakyat pa sa taas!" galit ulit na wika nito. "E-eh gutom ako kaya kailangan ko 'yong pera ko!" pagpapalusot ni Gavin na sobrang labo ng kanyang dahilan. "My God! Anong mabibili mo sa bente? Ipagpapalit mo kahihiyan ko!" galit na sabi nito. "Hindi na mauulit," ani Gavin. Ayaw na niyang humaba pa ang usapan. Lintik na benta na iyan. Ang baba na ng tingin sa kanya ni Phrylle. Parang gusto nang sigawan ni Gavin si Phrylle na kahit pa twenty million ay kaya niyang ibigay sa babae ngayon din! Pero naisip niya ang usapan nila ng ama ni Phrylle. "Talagang hindi na mauulit, dahil kung uulitin mo pa, gagawa talaga ako ng paraan mawala ka lang sa landas ko!" galit na banta ni Phrylle dito. Gusto nang itapon ni Gavin si Phrylle sa gitna ng daan dahil sa sama ng ugali nito, ngunit nagtitimpi lang talaga siya. Unang araw pa lang nilang magkasama, ganito na ang nangyayari sa kanila. Ano na lang kaya sa susunod pang mga araw? "Pwede, tumahimik ka na?" ani Gavin dito. "Dumaan tayo sa mall. Magsho-shopping ako, dahil wala akong damit na gagamitin sa work," ani Phrylle sumunod naman si Gavin sa utos nito agad na niliko ang sasakyan na ikinauntog ni Phrylle sa harapang upuan. "Aray! Nananadya ka ba?" inis na tanong ni Phrylle kay Gavin. "Malay ko bang hindi nakasuot sa iyo ang seat belt?" nakangiting sagot ni Gavin. "Ang dami mong satsat!" ani Phrylle sabay hawak nito sa noo na tumama. Napangiti na lang si Gavin, dahil nakaganti na siya sa babae. Ngayong araw, pareho na silang nauntog. Narating nila agad ang kilalang mall kung saan mamimili si Phrylle. Agad na bumaba ito at sinundan lang ito ni Gavin. Panay pili ni Phrylle ng mga mamahaling damit para sa gagamitin nito sa pagpasok. Hinayaan lang ni Gavin na namili ito. Nakaupo lang siya habang naghihintay sa babae. Panay ang sukat nito. Minsan ay tinatanong siya nito kung bagay ba at okay sa kanya. Panay ewan lang ang sagot niya dahil wala naman siyang alam sa ganoong mga bagay lalo na sa pangbabae. Nababagot na siya sa tagal nitong mamili ng bibilhin. Sa tanang buhay niya, ngayon lang siya nakaranas ng ganito. Sa wakas ay natapos na rin ito. Hinintay na lang niyang matapos magbayad ito para kunin at bitbitin ang mga pinamili nito. "Sorry, Ma'am, ilang beses ko na po sinubukan pero ayaw po talaga," wika ng cashier. "Ito, subukan mo," sabay abot ng isang ATM card niya. Inabot naman ng cashier at sinubukan ito kung tatanggapin. "Sorry po, ayaw rin po," sabi nito. Inis na inis si Phrylle dahil talagang tinotoo ng ama ang sinabi. Paano siya ngayon magbabayad? Kapag nagkataon talaga, mapapahiya siya. "Magkano po ba lahat?" tanong ni Phrylle sa cashier. Nakikinig lang si Gavin na kunwari wala siyang naririnig at alam sa usapan ng dalawa. "Ma'am, twenty thousand po lahat," sagot ng cashier. Hindi alam ni Phrylle kung saan siya kukuha ng ganoong kalaking halaga. Kung ibabalik naman niya ang mga damit ay malaking kahihiyan ito para sa kanya at ayaw niyang mangyari ito. Naisip niya na baka may ganoong kalaking pera ang kanyang bodyguard, pero paanong magkaroon ito ng ganoong kalaking pera? Ni bente nga ay sinisingil siya. Twenty thousand pa kaya? Saan naman ito kukuha? sa isip niya. Pero susubukan pa rin niya. Baka may tinatago ito. Nagpaalam muna siya sa cashier saglit at agad na pinuntahan si Gavin. "Hoy! may pera ka diyan?" tanong agad ni Phrylle kay Gavin. "Uutang ka na naman?" tanong ni Gavin. "Babayaran kita sa sahod ko," sagot ni Phrylle. "Magkano uutangin mo?" tanong ni Gavin dito. "Twenty thousand," diretsahang sagot ni Phrylle. "Ano?! Sigurado kang babayaran mo ako?" panigurado ni Gavin dahil ang usapan nila ng ama nito ay walang sahod ito sa unang buwan nito. "Oo, dali na dahil nakakahiya!" ani Phrylle. "Alam mong wala kang pera nag-shopping ka pa!" pasaring ni Gavin dito. "May sinasabi ka?" tanong ni Phrylle. "May narinig ka ba?" tanong ni Gavin sabay kuha sa kanyang card at lumapit ito sa cashier para bayaran ang pinamili nito. Pagkatapos binayaran ni Gavin ang pinamili nito ay kinuha na niya ito dahil alam niyang siya naman talaga ang magbibitbit nito. Nagtaka naman si Phrylle dahil ambilis nitong binayaran ang kanyang pinamili. Pero kung makasingil sa bente kulang na lang ipapapulis siya nito. Hinayaan na lang muna ni Phrylle ang isiping iyon. Ang mahalaga ay bayad na ito. Nauna nang naglakad si Gavin sa may parking area dahil ilalagay pa niya ang mga pinamili ni Phrylle sa sasakyan sumunod naman sa kanya si Phrylle hinintay niyang mailgay ni Gavin ang mga pinamili nila bago siya sasakay. Nagulat na lang siyang may dalawang lalaki na lumapit sa kanya at pilit na inagaw sa kanya ang kanyang bag at nakita nitong may hawak na patalim ang isa. "Gavin, help!" nanginginig na sigaw ni Phrylle, agad namang nilapitan ni Gavin si Phrylle at agad na pinagsusuntok ang dalawang lalaki. Nakita naman ni Phrylle na susugurin si Gavin ng may hawak ng patalim kaya napasigaw ito, ngunit madaling naagapan ni Gavin ang lalaki. Sinipa niya ito at pinagsusuntok. Sa laki ng katawan ni Gavin at lakas nito ay lupaypay ang dalawa sa semento. Nilapitan naman sila ng guard at hinuli ang dalawa. "Okay ka lang?" pag-aalalang tanong ni Gavin kay Phrylle, dahil nakita niya itong takot na takot. "Gavin…" sabay sakap nito sa kanya na umiiyak. Hindi alam ni Gavin ang gagawin sa mga sandaling iyon. May parang init na dumaloy sa kanyang katawan habang magkadikit ang kanilang katawan ni Phrylle na ngayon lang niya ito naramdaman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD