Chapter 2

1571 Words
Pinagmasdan ni Gavin, ang larawan ng dalaga. Alam niyang hindi na siya kilala nito bata pa lang ito noong nagkita sila, at ngayon ay nasa thirty na siya at kung hindi siya nagkakamali ay nasa twenty two na ang dalaga. Tuturuan niya ito ng leksyon. Pinaikot-ikot ni Gavin ang larawan nito sa kanyang palad sabay nagpakawala ng isang nakakalokong ngiti. -- Nag-isip ulit si Phrylle kung ano ang kanyang gagawin tungkol sa sinabi ng ama, o baka nagbibiro lang ito sa kanyang mga sinabi. Nag-iisang anak siya at tagapagmana. Alangan naman na papahirapan siya ng mga ito. "Ah bahala na!" naisatinig niya. Habang nasa ganoong pag-iisip siya ay biglang tumunog ang kanyang cellphone kaya agad niya itong kinuha at tiningnan kung sino ang tumatawag. "Hello?" sagot niga dahil hindi nakarehistro ang numero sa kanyang cellphone. Napakunot ang kanyang noo sa kanyang narinig, tama ba na magre-report na siya sa lunes? Hindi nga nagbibiro ang kanyang ama at totoo nga talaga na pahihirapan muna siya nito! "Okay, I will," sagot lang niya sabay patay sa linya. Halos maihagis niya ang kanyang cellphone sa inis sa kanyang magulang. Hindi niya alam kung makakaya niya ang trabahong ibibigay sa kanya. Agad siyang bumaba at hinanap nito ang kanyang ina para tanungin ito. "Mom, talaga bang papahirapan ako ni Dad?" tanong agad nito ng makita niya itong nag-aayos ng kanyang mga halaman sa harden. "Oo, bakit? Ang akala mo ba ay nagbibiro lang kami?" kalmadong sagot ng ina habang patuloy pa rin ito sa ginagawa. "Mom naman! Nag-iisang anak ako, tapos ganito ang gagawin ninyo sa 'kin?" pagmamaktol nito. "Kahit pa nag-iisang anak ka namin, kailangan mo pa ring magtrahabo at paghirapan ang lahat ng bagay na gusto mong makuha," sagot ng ina. "E-eh… paano kung hindi ko kaya?" tanong nito sa ina. "Nasa iyo na iyan. Tatambay ka rito sa bahay na walang pera at hindi makakalabas dahil hihigpitan ka na ng iyong Daddy sa lahat ng bagay," sagot ng ina. Padabog na iniwan ni Phrylle ang ina saka ito patakbong umakyat sa kanyang room. Doon niya isinubsob ang kanyang mukha sa inis sa kanyang mga magulang. Paano kung halimaw ang magiging amo niya? Iniisip pa lang niya ay parang gusto na niyang pumatay. "Ahhh!" sigaw niya sa sobrang inis. --- Kinabukasan pagkatapos mag-gym ni Gavin ay naligo na ito at agad na nagbihis para pumasok sa opisina. Hindi siya naglalagi sa opisina nito. Kahit siya pa ang CEO ay may mga tauhan siyang pinagkakatiwalaan para sa lahat. Mas nakatuon siya sa pagte-train sa mga private agents niya. Kapag may problema ang kumpanya at may meeting ay saka lang siya nagpapakita doon at kung free time niya. Kailangan niyang kausapin ang kanyang secretary tungkol sa pagpasok ni Phrylle sa kanyang kumpanya. -- Dahil mag-uumpisa na ang kalbaryo ng kanyang buhay sa Lunes kaya lubos-lubusin na niyang gumala. Kaagad nagbihis si Phrylle. Tinawagan nito ang mga kaibigan para gumala sila at ikwento sa mga ito ang pagbabago ng kanyang buhay. Pasalamat na lang siya dahil ngayon nawala na ang nakakairita sa paligid niya, ang kanyang mga bodyguard, dahil pinapangako niyang hindi magtatagal sa kanya ang kung sino mang bodyguard na kukunin ng kanyang ama para sa kanya. Ngayon ay lalabas siyang walang mga asungot na sumusunod sa kanya at malaya siyang gumalaw sa kung ano ang kanyang naiisin. --- "Sir, saan ang lakad?" tanong agad ng driver at katiwala ni Gavin ng makita siyang papalapit ito sa kanya. "Sa company," tipid na sagot nito sabay sakay sa sasakyan. "May bagong task ako," tipid na sabi ni Gavin sa kasama. "Himala, tumanggap ka. Ano iyan, special?" napangiting tanong nito kay Gavin. Ka-body niya si Matt at private driver din niya ito. "No choice…" naiiling na sagot ni Gavin. "Mukhang no choice ka nga dahil sa tagal na natin, ngayon ka lang tumanggap ng task," sabi ni Matt dito. "Sasabihin ko mamaya sa'yo," ani Gavin sabay sandal ng ulo nito at pumikit habang nasa byahe sila. --- Gulat naman ang mga kaibigan ni Phrylle sa narinig mula sa kanya, hindi sila makapaniwala na gagawin iyon ng kanyang mga magulang. "Sa Lunes na talaga agad-agad?" tanong kaibigan nito. "Yes, at ewan kung paano ako doon!" inis na sagot ni Phrylle sa kaibigan. "Mag-iingat ka. Message mo kami kaagad kung masungit ang magiging boss mo," sabi naman ng isang kaibigan nito. Halos nagpakalunod si Phrylle sa alak ng mga oras na iyon dahil hindi pa talaga niya tanggap ang mangyayari sa kanya sa susunod na araw. Paano siya gagalaw na walang pera, at aasa lang sa sahod niya. Alam niyang maliit lang magiging sahod niya dahil baguhan pa lang siya. Pinikit na lang niya ang kanyang mga mata at ninamnam ang pait ng alak sa kanyang lalamunan. --- "Lahat ng bilin ko sa'yo ay susundin mo," mahigpit na bilin ni Gavin sa kanyang secretary. "Yes, Sir, masusunod po," sagot nito. "Good, makakaalis ka na," ani Gavin. "Sigurado ka ba sa gagawin mo?" tanong ni Matt kay Gavin. "Gaya ng sinabi ko, no choice," sagot lang nito. — Malakas na tunog ng alarm clock ang nagpabalikwas kay Phrylle. Nang makita nito na mag-alas syete na ng umaga ay agad itong bumangon at nagtungo sa banyo para maligo at mag-ayos sa sarili dahil ito ang unang araw nito sa pagpasok. Ngayon lang niya naalala na wala siyang pormal na mga damit para sa pagpasok, natampal niya ang kanyang noo. Wala na siyang time kaya kung ano na lang ang kanyang sinuot. "Bahala na!" sambit nito sabay labas na ng room nito. Papunta na siya sa kanyang sasakyan dahil late na siya at wala na siyang time pa para kumain. Nakita niyang may kausap ang ama. Isang lalaki na kahit nakatalikod ito ay napakakisig ang tindig lalo na sa suot nito at sa pangangatawan nito. "Anak, andyan ka na pala. Halika!" tawag ng ama niya. Agad namang lumapit si Phrylle sa kanila. Nakatalikod pa rin ang kausap ng ama. "Good morning, Dad!" bati niya sa ama. "Good morning, too. Siya nga pala si Gavin, siya ang magiging private bodyguard mo," pakilala ng ama niya. Unti-unting humarap si Gavin kay Phrylle. Naka-sunglass ito. "Hi!" bati ni Gavin kay Phrylle hindi alam ni Phrylle ang gagawin. Parang ewan sa kanyang pandinig ang boses ni Gavin. Lalaking-lalaki ito para sa kanya. Nakatulala si Phrylle nang tinanggal ni Gavin ang suot nitong sunglasses. "A-ahhh… hello!" kunwaring pagtataray niya. "Good luck sa unang araw mo, anak," sabi ng ama nito. Tiningnan lang niya ang ama at pumasok na ito sa sasakyan. Amoy na amoy niya ang pabangong gamit ni Gavin. Nagtataka siya kung talagang bodyguard ito o hindi. Makikita sa galaw at tinding nito na parang iba. Ayaw na lang magsalita ni Phrylle. Ayaw niyang tingnan ito dahil baka kung ano pa isipin nito. Naka-sunglass ito kaya hindi rin niya alam kung tinitingnan siya nito. Pero sa isip niya ay tauhan pa rin nila ito at isang hamak lang na bodyguard. Napailing si Gavin dahil ngayon lang niya napagtanto ang suot ni Phrylle ay labag sa kanyang kumpanya. "Wala ka bang ibang maisusuot?" tanong ni Gavin sa gitna ng kanilang katahimikan. Napatingin naman si Phrylle sa kanyang suot na halos kita na ang kanyang kaluluwa. "Wala kang pakialam! Gawin mo lang ang trabaho mo!" inis na sagot nito kay Gavin. Hindi na umimik si Gavin dahil alam na niya ang kanyang gagawin dito. Alam niyang mahihirapan siya sa dalaga pero gaya ng pangako niya sa ama nito ay gagawin niya ang nararapat. Dahil medyo traffic kaya mabagal ang usad nila. May isang matandang babae na kumatok sa window ng sasakyan at nanglilimos. Tiningnan ni Phrylle ang kanyang wallet ngunit wala siyang cash. "Hoy, may bente ka? Pahiram..." ani Phrylle kay Gavin. Nagulat naman si Gavin sa pagtawag sa kanya ng "Hoy" nito. "Wala akong pera," tipid na sagot ni Gavin. "Ano? Ganyan ka na ba kapobre at walang pera kahit bente?" kunot-noong tanong nito. "Ikaw nga na mayaman walang pera ako pa kaya?" pabalang na sagot ni Gavin. "Hoy! Huwag na huwag mo akong masagot-sagot ng ganyan!" inis na sabi ni Phrylle. Umiling na lang si Gavin sa inasal ng kasama. Ayaw na lang niyang sagutin ito para tumigil na. "Kay porma-porma, wala naman palang pera..." pabulong ni Phrylle. Akala ni Gavin ay tumigil na ito. Hindi iyon nakaligtas sa kanyang pandinig. "Mas maporma ka at lalong walang pera," pabulong din na sabi ni Gavin. "Ano?!" galit ba tanong ni Phrylle. "Wala! Ito'ng bente para tumigil ka na," sabay abot niya sa dalaga. Inabot naman ito ni Phrylle at binigay sa matandang nanlilimos bago sila umusad. Alam ni Gavin na pagtitinginan ng mga tao si Phrylle pagpasok nito lalo pa't ganoon ang suot nito. "Nandito na tayo," ani Gavin. Nalula naman si Phrylle sa laki at lawak ng kumpanyang kanyang papasukan. "Okay," sagot lang nito. "Huwag kang bababa nang nakaganyan," seryosong sabi ni Gavin dito. "Eh, anong gagawin ko?" naiiritang tanong ni Phrylle dito. Kinuha ni Gavin ang kanyang jacket saka nito binigay kay Phrylle. "Isuot mo ito hanggang sa opisina," sabi Gavin. Tiningnan naman ni Phrylle ang jacket mabango ito mukhang mamahalin. Nagtataka na talaga siya sa lalaki. Tiningnan muna niya ito bago niya sinuot sabay lakad nito papasok sa loob ng malaking building na iyon. Nakita naman ng isang empleyado si Gavin kaya binati niya ito. "Good morning, Sir!" malakas na bati nito kay Gavin. Napalingon naman si Phrylle. "Sir?" taas kilay na tanong nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD