LEIGH’S POV: Hihikab-hikab naman akong lumabas ng kuwarto ko at iniunat ko pa ang dalawang braso ko. Hindi ako masyadong nakatulog kagabi at hindi ko alam kung bakit. Papikit-pikit pa akong bumaba ng hagdan at saka naman ako dumeretso sa kusina. Napahinto ako ng maamoy ko ang mabangong pagkain at doon ako biglang nagising. Nakita ko si daddy na naghahain ng pagkain sa lamesa at hindi ko inaasahan na makita rin si Kiefer na nandito. Napatingin pa siya sa’kin ng ibaba niya sa mesa ang hawak niyang ulam. Hinagod niya pa ako ng tingin at naalala kong naka-sando lang pala ako at naka-cycling shorts. Mabilis akong tumalikod at tumakbo paakyat ng kuwarto ko para magpalit ng aking damit. Bwisit talaga! Anong ginagawa ng gurang na ‘yon sa bahay namin? Pati ba naman dito hindi niya ako pinapatahi

