LEIGH’S POV: “O anak, nasaan si Kiefer bakit hindi mo siya kasama?” Takang napatingin si daddy sa may likuran ko ng mahalata niyang wala si Kiefer. Kakapasok ko lang sa loob ng auditorium kung saan gaganapin ang graduation ceremony. Kaagad ko namang nabungaran si daddy at kausap niya ang head ng university. “Dad, he’s not coming. May emergency daw sa opisina niya kaya nagmamadali siyang umalis” Ewan ko ba kung bakit ko pinagtakpan ang gurang na ‘yon. Naiinis ako sa kaniya at mas inuna niya pa ang ex-girlfriend niya na halata namang nagsisinungaling. Habang papunta ako rito ay halos magusot na ang suot kong dress dahil sa paghawak ko roon at kulang na lang ay mapunit ko ang suot ko. Ang galing din tyumempo ng babaeng ‘yon at sa mismong graduation ko pa siya nag-inarte. Kung tutuusin

