Chapter Twenty-eight Mukha ng gobernador ang bumungad sa akin pagmulat ko ng mata. Salubong ang kilay nito at parang pinag-alala ko. "Manika?" tawag nito sa akin nang nanatili akong nakatulala rito. "G-ov," mahinang ani ko. "Kumusta ang pakiramdam mo? Gusto mo bang dalhin kita sa ospital?" inabot pa nito ang aking kamay at hinawakan. Sinalat din ng isang kamay nito ang leeg at noo ko. "Wala ka namang lagnat... hindi ka mainit. Bakit ka nawalan ng malay kanina? Napapagod ka ba sa pag-aaral mo sa dalawang teacher mo?" seryosong tanong nito. Agad akong umiling. "Hala! Nag-e-enjoy ako sa pagtuturo nila, Governor Claude. May english na nga akong natutunan. Gusto mo bang marinig?" excited na tanong ko rito. Umupo pa ako na agad namang inalalayan nito. "Sure. Tell me. Anong mga natutunan mo

