Chapter Twenty-seven "Nandito ka na naman?" salubong ang kilay na puna ni Governor Claude. Yakap ko ang unan ko at kabubukas lang nito ng pinto. Naka-sweatpants lang siya at magulo ang buhok. Halatang nagambala ko sa pagtulog. "Tabi?" paawang anas ko. "No. Doon ka sa kwarto mo," pero bago pa nito isara ang pinto ay lumusot na ako. Nagamit ko ang liit ko para makapasok sa silid nito. Napasimangot ang lalaki. Habang ako ay sige ang papungay ng mata. Sana naman maawa siya sa akin. Hindi kasi talaga ako makatulog sa kwarto ko. Pakiramdam ko'y hindi ako ligtas doon. Habang dito sa kwarto niya ay ligtas na ligtas ako. Nararamdaman ko lang naman iyon. "Tabi, Governor?" inabot ko pa ang sweatpants at humawak doon. "Manika, hindi tamang magsama tayo sa iisang kwarto. Doon ka sa kwarto mo at

