Chapter Fourteen
"I see how selfish you are, Manika. What can I expect from someone like you, the daughter of the rebel leader? Nothing." Gigil na gigil nitong sinasabi iyon. Kumikibot-kibot pa ang ilong nito. Natukso tuloy akong sunduin. "What the hell?" hiyaw nito. Dahil sa sigaw nito ay natakot ako kaya napatakbo ako palabas. Aksidente ko pang nabunggo ang isang tauhan ni Governor Claude.
"Bakit?" agad namang lapit ni Ate Aira.
"Ate Aira, ang sakit na sa ulo ni Gov. Kalbo. Hindi ko naman naiintindihan iyong mga sinasabi niya. Tapos bigla pa siyang sumigaw ng what the hell. Ano iyon, Ate?" ang tulis ng nguso habang nagsusumbong dito.
"Ang sabi niya ano raw ang impyerno."
"Bakit niya ako tinatanong kung ano ang impyerno? Malay ko ba kung ano iyon." Natawa ang mga tauhan ni gov na nakakarinig sa sinasabi ko. Si Gov na nasa pinto ay nakasimangot sa akin. "Ayan siya, Ate Aira! English siya ng english eh Hindi ko nga maintindihan." Marahas na napabuntonghininga ang gobernador.
"Get inside," agad akong kumapit kay Ate Aira.
"Ano raw, 'te?"
"Kunin daw sa loob," nagsalubong ang kilay ko.
"Alin ang kukunin ko sa loob?" walang kwenta ang usapan namin dahil hindi naman nagkokonekta ang lahat. Parang walang punto.
"Ang sabi ko pumasok ka sa loob, Manika. Mag-uusap pa tayo." Halos itulak naman ako ni Ate Aira papasok. Nang nasa loob na ay binalak kong lumabas pero mabilis na isinara ni Governor Claude ang pinto.
"Governor Kalbo, palabasin mo naman ako. Ang gulo-gulo mo namang kausap eh. Paano ko malalaman kung ano ang impyerno. Hindi pa ako nakapunta roon. Tapos english ka ng English. Nakakapagod kang kausap."
"Damn it! Ako pa ang magulong kausap?" asik nito sa akin.
"Oh! Kagaya n'yan. Wala namang koneksiyon ang damit pero binabanggit mo. Tapos parang ako pa ang gusto mong palabasin na magulong kausap? Hindi tama iyon, Gobernador na kalbo!" bigla na lang nitong hinawakan ang leeg ko. May kaunting higpit. Pero nakakahinga naman ako kahit papaano.
"Damn it! DAMN IT!"
"Akin na. Hubarin ko na lang ang damit mo," hinawakan kong laylayan ng damit nito pero tinabig nito iyon. "Putangina! Hindi ako bobo pero mabobobo na ako sa 'yong babae ka." Binitiwan ako nito kaya napaatras ako. "Maupo ka sa couch." Imbes na umupo sa itinuro nitong upuan ay bumalik ako sa upuang may gulong.
"Gov Kal! Tulak mo ko. Dali! Dali!" ngunit iwinasiwas nito ang kamay kaya tumama sa vase at nalaglag.
"Bullshit! Ano bang ginawa ng mga magulang mo para umakto ka ng ganyan? Ganyan ba kayong mga rebelde?" huminto ako sa pagpapagulong ng upuan.
Tumayo ako at nilapitan ito. Tinitigan ito. "Mangmang! Ganyan ang utak ninyo kaya napakadali sa inyong pumatay. Mamamatay tao kayo! Sobrang daming namatay dahil sa pambobomba ninyo. Sobrang daming nasaktan dahil sa inyo. Lugmok na lugmok ang mga tao rito sa San Gabriel dahil sa inyo. Ano ba talanga pinaglalaban ninyo? Mayroon ba o pansariling interest n'yo lang kaya nagagawa n'yo ang lahat ng mga kademonyohang ito?" hiyaw ng lalaki. Sunod-sunod na pumatak ang luha ko. Hindi ako sanay na masigawan kaya iyong ganitong sigaw ni Governor Claude ay parang pumipiga sa puso ko.
"Naiintindihan ko ang galit mo, Governor Kalbo! Naiintindihan kita. Pero bakit sa akin ka nagagalit? Hindi ko naman ginusto! Ayaw ko naman ng karahasan, Gov. Kal! Huwag mo akong awayin. Maawa ka naman sa akin," sabay yakap sa bewang ng lalaki habang umiiyak. "Bakit salbahe ka sa akin? Hindi naman kita inaano eh!" ang lalaking galit na galit ay biglang natahimik. "Patahanin mo ako! Huhu! Ang bigat sa dibdib umiyak," utos ko pa rito. Naramdaman ko ang dahan-dahang paglapat ng palad nito sa likod ko. Marahang tinapik-takip iyon. "Pinaiyak mo ako, Gov! Iiyak talaga ako."
"Enough," mas kalmado na ito ngayon. "Tahan na. N-ext time na lang kita kakausapin," kumalas ako sa pagkakayakap nito. Poker face ang mukha nito. Parang labag sa loob niya.
"Umiiyak pa rin ako!" maktol ko rito. Kaya naman ito na ang kumabig sa akin at marahan nitong hinagod ang likod ko.
"Tahan na..." napipilitang ani ng lalaki kaya naman kumalas ako sa pagkakayakap at pinahid ang luha sa mukha.
"Ayan! Okay na ako, Gov. Kal! Ba-bye." Mabilis akong lumabas at kumaripas na nang takbo.
"Manika!" habol na ani Aira sa akin. Nakarating ako sa kusina. "Umiyak ka, bebe?" agad nitong inabot ang pisngi ko.
"Si gov kasi po. Inaway po ako."
"Naku! Kapag inaway ka n'ya ulit ay madali lang siyang pakalmahin."
"Talaga po?" agad kong tanong.
"Oo. Hawakan mo lang iyong t**i no'n. Ewan ko na lang kung hindi iyon kumalma."
"t**i po?"
"Oo. Iyong b***t n'ya. Dakmain mo lang. Hindi na iyon magagalit. Iyon ang tricks."
"Tricks po?" inosenteng ani ko.
"Basta. Iyon ang magic para kumalma si gov," kumindat pa ito sa akin. "Tandaan mo lang iyon." Todo tango ako.
"Salamat sa tricks, ate." Hindi ko man alam kung ano bang ibig sabihin ng tricks.
"Maghahain na ako para makakain ka na. Huwag mo na munang isipin si governor. Gano'n talaga kapag tumatanda na." Ipinaghila ako nito ng upuan. Naupo ako roon at naghintay. Saktong labas ni Ate Susan. Agad akong ngumiti rito. Pero inirapan lang ako nito.
"Anong style iyan, Manika? Umaarte ka. Kinukuha mo ba ang loob ng gobernador?" nanlaki naman ang mata ko at Todo iling.
"Hala! Hindi naman ako aswang, ate. Bakit mo naman po naisip na gano'n ang balak ko?" tinanong ko lang naman pero galit itong nag-walkout.
Nang bumalik si Ate Aira ay may bitbit na itong pagkain para sa akin.
"Bakit?" sita nito sa akin.
"Nagtataka po kasi ako kay Ate Susan. Iniisip po kasi ni Ate Susan na aswang ako."
"Ha? Aswang?"
"Sabi po kasi niya ay kinukuha ko raw ba ang loob ng gobernador. Paano ko po gagawin iyon? Hindi naman po ako aswang." Ang lakas ng tawa ni Ate Susan. Nautot pa ito.
"Pinasasaya mo talaga ako, Manika." Paano ko siya napasaya? Hays! Bakit ba ang labo nilang kausap? Lahat sila! Ganito ba kapag malaki ang bahay? Dahil sa laki ay hindi sila madalas magkita tapos hindi nakakapag-usap?
Ayaw ko na lang pala ng malaking bahay. Nagsimula akong mag-almusal. Tahimik naman si Ate Aira na nakatingin sa akin.
"Ate, iyang nunal sa baba mo nasa baba na ng ilong mo," puna ko rito para basagin ang katahimikan.
"Hehe! Kulangot iyan, be." Saka nito inalis iyon. Namilog ang mata ko. Akala ko nunal. Buti na lang nakuha ko pang ipagpatuloy ang pagkain ko.
Nang pumasok si governor sa dining room ay may kausap na naman ito sa phone.
"I'll go. Visit the hospitals where the victims of the explosion were taken. Make sure that the office's assistance is being provided to them. I'll finish my meetings first, then go."
Tinignan ko si Ate Aira. Magtatanong pa lang pero umiling na ito.
"Masyadong mahaba iyong sinabi niya, Manika. Ulitin mo. Baka sakali." Umiling na lang ako. Mahaba nga kaya hindi ko rin mauulit.
Nang umalis ulit si governor ay may naalala akong sinabi ni Governor.
"Ate Aira, ano iyong bullshit?" gigil niyang sinabi iyong kanina.
"Torong... tae?" Diyos ko po! Kung ano-ano na lang ang sinasabi ni Governor. Paanong napasok sa usapan namin ang torong tae? Hays! Baka naggagaling-galingan lang sa salitang Ingles para masabing magaling siya pero sa totoo lang ay hindi naman talaga. Kasi walang saysay ang mga sinasabi niya sa wikang Ingles. Torong tae? Ngek! Ano kaya raw iyon?
"Manika, pagkatapos ng trabaho ko akyat ako sa kwarto mo. Manood tayo. Sayang naman ang malaking TV doon."
Kaya nang umakyat ako ay naghintay na lang ako kay Ate Aira.
Parang isang oras din bago ito umakyat.
Nang buksan nito ang TV ay malawak ang ngisi nito. Hindi ko alam kung ano ang panonoorin namin. Pero kinabahan ako sa ngiti ni Ate Aira.
"Libangan ko ito kapag nagpapahinga ako. Secret lang natin ito. Hindi pwedeng malaman ng iba."
"M-umu ba iyang palabas, ate?" kabadong tanong ko rito. Umiling ito.
"Hindi, be! Sayaw 'to. Gusto kong matutong sumayaw kaya naman pinanonood ko ito."
Bumungad ang isang magandang babae na bra at panty lang ang suot. Sa silid na kinaroroonan nito ay tanging upuan lang ang gamit na naroon. Masyadong litaw na litaw ang katawan nito.
Nang nagsimula itong gumiling ay ginaya na ni Ate Aira ang bawat galaw ng babae.
"Mag-practice ka rin, be. Baka soon magamit mo," itinutok kong muli ang tingin sa TV saka ako ngumiti.
"Kaya ko iyan, Ate Aira!" excited pang tumayo at ginaya nga ang galaw ng babae. Ginaya ko kung paano gumiling ang babae sa TV. Kung paano nito biglang ibinubuka ang mga hita at pati na rin ang expression ng mukha nito.
Dahil labis na nagsasaya sa saway ay hindi ko agad napansin na huminto na si Ate Aira sa pagsayaw. Siya ang pasimuno pero ngayon siya na lang ang nanonood sa akin.
"Bagay kang maging babae ng gobernador. Ganda, katawan, medyo bobo, pero pwedeng pagtiyagaan."
"Po?" hindi ko naintindihan ang sinabi nito dahil mahina iyon. "Anong sabi mo, Ate Aira?" pangungulit ko rito.
"Wala. Ang sabi ko lang ay magaling kang sumayaw. Pagbutihin mo iyan."