Chapter Thirty-five "Huwag malikot," saway ng lalaki habang hawak nito ang injured kong kamay. Narito na kami sa kwarto na inuukupa ko. Si Ate Aira ay inutusan nitong maghanda ng tubig at towel. "Baka masaktan ulit iyang kamay mo," iyon talaga ang pinipigilan nitong igalaw ko. Pabagsak akong humiga sa kama. "The bird swims. The fish flies." "Baliktad!" tumalikod ako rito. "Hindi iyan ang ibig kong sabihin. Iyong english mo. Baliktad, Manika." "Ang mahalaga tama ang grammar---" "Tsk. Magpahinga ka na. Kami na ang bahalang linisan ka." "Lasing ba ako, gov?" tanong ko rito. "Yes." Siguro nga. Kasi kanina sinabunutan ko si governor. Kalbo siya 'di ba? So, paano iyong sabunot? "Parang hindi naman," sabay hagikhik. Naisip ko talaga kung paano iyong sabunot kanina. Ganito ba ang pak

