Chapter Thirty-two "May guard na rin dito sa parking lot?" mahinang ani ko kay Mamba. Napansin ko kasi na may nakatayong lalaki sa daan patungo sa parking lot. "Nagtatanong ka pa talaga. Kung hindi ka sumalisi kagabi ay hindi naman ito mangyayari. Sobrang tigas kasi ng ulo mo." Kasalanan ko? "Hindi ba dapat kasalanan ni governor?" seryosong tanong ko rito. "Dapat tinitignan niya ang sasakyan niya bago siya umalis. "Isumbong kita---" agad kong inakbayan ang lalaki. "Tangina. Manika, gusto mo ba akong mamatay?" takot na bulalas nito. Saka niya dali-daling inalis ang kamay kong nakaakbay sa kanya. "May pula ka sa noo, Mamba." Dinutdot ko ang noo nito. Nawawala iyon sa tuwing nilalapat ko ang daliri ko roon. "Tangina! Ayaw ko pang mamatay," sabay karipas nito ng takbo. Iyong pulan

