Chapter Thirty-three "Ate Aira, pakiramdam ko'y iniiwasan ako ng lahat," hindi ko na napigilan magsumbong dito. "Para akong may nakahahawang sakit. Iwas na iwas silang lahat." "Kung may choice lang ako ay iiwasan din kita, be. Huwag kang magtaka. Sobrang kulit mo. Hindi mo napapansin pero kaming lahat ay pansin na pansin namin. Humarap ako kay Ate Aira. "Ako po ba ang makulit o kayong lahat? Parang kayong lahat nanna itong makulit at madali lang ipasa sa akin ang kakulitan n'yo," at nakuha ko pa talagang ipasa talaga sa kanila. Feeling ko naman kasi ay hindi naman ako. "Manika, hindi ka nila iiwasan kung behave ka lang. Huwag mong hintayin na pati ako'y umiwas na rin at taguan ka rito sa mansion." Napatango-tango naman ako. Pero iniisip ko pa rin talaga kung paano akong naging makul

