Chapter Twenty-two Ilang araw na hindi nagsanga ang landas namin ng gobernador. Mukhang abala ito sa kapitolyo. Nood lang kami ng nood ng TV ni Ate Aira. Wala na kaming ibang magawa. Sinubukan niya akong turuang magbasa pero ako na ang sumuko dahil hindi ko rin maintindihan talaga. Parang tama na mali ang naririnig ko sa kanya. Nahihirapan ako. Ngayon ay sa kusina kami nanggugulo ni Ate Aira. "Doon na kasi kayo, Aira. Kami na rito. Darating ang gobernador mamaya at dito kakain. Kailangan maayos ang mesa mamaya. Doon na muna kayo ni Manika," tinataboy na kami dahil ang ingay namin ni Ate Aira. Nagkwekwentuhan kasi kami nito tungkol sa mga pagkain. Naiingayan na ang kasama namin. "May isa pa akong kwento. Ayaw n'yo bang marinig?" pare-parehong umiling ang mga kasama namin sa tanong ni Ate

