Chapter Twenty-one "Ang sarap po nito, ate!" bawat kagat ko sa chocolate ay talagang sarap na sarap ako. "Try mo pa ito," panay ang pakain nito sa akin. Tanggap naman ako ng tanggap dahil baka minsan lang ang pagkakataon na iyon. "Salamat po. Saan n'yo po kinuha ang mga ito?" takang ani ko. "Nagpahanda ng pagkain si governor para sa lahat. Itong mga ito ay sa buffet ng mga staff ni Governor. Sobrang daming pagkain sa baba, Manika. Gusto mo bang makita?" agad akong umiling dito. Hindi ko nakalimutan ang bilin no'ng kalbo. Mahirap na. Baka totohanin talaga nito ang banta niya. Kawawa naman sila ina. "Ayaw ko po, ate. Dito lang po ako." "Aha! Natatakot ka kay Governor Claude 'no? Naku! Huwag kang matakot doon. Hindi naman iyon nakakatakot. Mabait iyon. Utuin mo lang at tiyak kong mapapa

