Chapter Twenty Pagdating sa capitol ay sobrang dami ng tao. Pumasok kami sa private parking lot ayon kay Governor Kalbo ay siya lang daw ang gumagamit no'n. Inutusan ako nito na magsuot ng salamin at sombrelo kaya naman ginawa ko agad. Wala rin naman kaming nakasalubong na tao pagdating namin sa opisina niya. Paglapit namin opisina nito ay iginiya niya ako palapit sa salaming pader. Itinuro nito ang lugar kung saan nagtitipon ang mga tao. Sobrang dami ring nakahanay na kabaong. Sa tabi ng mga iyon ay nag-iiyakan ang mga kamag-anak. Hindi ko tuloy maiwasang maluha. Sana'y mas inagahan ko ang pagsabing may bomba sa paligid. Sana'y hindi na nangyari ito. "Iyan ang resulta ng kademonyohan ng rebeldeng grupo, Manika," seryosong ani ni Governor Claude sa akin. Pumwesto ito sa likuran ko saka

