Ellise Nikyle's P. O. V. Nakahawak ako sa kamay ni Amiel, tinatapik ko ang likod nito, dahan-dahan kong idinikit ang pisngi ko sa kaniyang balikat. Narito kami ngayon sa isang kwarto ng hospital kung saan naka-confine ang in-law's ko. May mga aparatus na nakatusok sa kanila dahilan para lalong mag-alala si Amiel. "Doc, kailan sila gigising?" tanong ni Amiel sa Doktor na nag-aayos ng machine. "Maybe later or tomorrow, kailangan muna mag-stable ang pulse nila, we are injecting some medicines. Mrs. Garcia's blood pressure isn't normal, we are still taking some test kung ano ang sakit na mayroon siya. Mr. Garcia might lose his left leg kapag hindi tumalab ang dosage na binigay sa kaniya, the xray are out and here is the result." Kinuha ng Doctor ang isang envelope at binigay kay Amiel. Na

