Ellise Nikyle's P. O. V. Narito na kami sa aming bagong tahanan. Halos malula ako sa laki nito, hindi naman siya mansion pero sobrang ganda ng disenyo. Kasama namin ang pari na magbebendisyon sa bago naming tahanan. "This is my dream house," bulong ko. "Dream come true, Babi." Nagsimulang magkumpisal ang pari habang dala ang kaniyang holy water. "I'm excited," bulong ni Amiel. Napangiti ako. Kasama namin ang Mom and Dad ko, sayang at hindi namin kasama ngayon ang parents ni Amiel dahil nagpapagaling pa sila sa hospital. "Ang ganda, gustong-gusto ko ang malaking glass window niyo. Sobrang elegant tignan mula sa labas," sabi ni Mommy. "Look at the gate, automatic! Yan ang susunod kong ipapagawa sa bahay natin," tuwang-tuwa sabi ni Dad. Napangiti ako. Sabay-sabay kaming pumasok sa l

