Ellise Nikyle's P. O. V. Hindi ako makalakad ng tuwid dahil sa pag-inom ko, pero alam ko ang nangyayare at nasa tamang katinuan pa rin ako. Hinatid ako ni Amor sa bahay nila Mommy. Nang mamukhaan ako ng gwardiya sa aming bahay ay agad niya akong sinalubong, akay-akay pa ako ni Amor. "Ma'am!" tawag ng guard at hinawakan ang braso ko para alalayan ako. "Kaya ko, Manong," ani ko. "Manong guard, kayo na po bahala kay Kai. Kailangan ko na po kasi umuwi," rinig kong sabi ni Amor. Tumayo ako ng tuwid at hinawakan ang magkabilang pisngi ni Amor. "You're the best and the best very very best friend ever!" sigaw ko. "Chaka mo na, umayos ka, vivideo-han kita sige!" aniya. Tumawa lamang ako at kumaway sa kaniya habang pabalik siya ng taxi na sinakyan namin. Ako naman ay inalalayan ni Manong na

