Amiel Harold's P. O. V. Nang maihatid ko si Nerrisa sa bahay nila ay napansin kong parang wala pa ring tao. Mukhang nanatili ang Mama nila sa bahay ng kapatid ni Nerrisa. "Gusto mo pumasok muna, Babe? Honey? Love?" ani Nerrisa at mahinang tumawa. "Ang dami naman no'n," ani ko at nakitawa na rin. Kada araw na lumilipas, mas nagiging blooming si Nerriss, hindi ko alam kung anong meron sa kaniya pero parang paganda siya ng paganda. "Pumili ka, wala pa kasi tayong call sign," aniya at nag-pout. "Hhhmmm, ikaw ba? Anong gusto mo?" tanong ko. "Mahal? Para sweet." Napangiti ako, hindi ko maiwasang hindi kiligin sa mga sinasabi ni Nerrisa, nararamdaman kong gusto niya talaga akong maging asawa. "Mahal, pasok ka na, mahamog na," ani ko at hindi mawala ang ngiti sa aking labi. "Mag-iingat

