Ellise Nikyle's P. O. V. Pagdating ko sa condo ay nagmistulang abandonado ito dahil naubos ang mga gamit ni Sir Amiel. Napatingin ako sa wall clock, 6 pm na. Wala nang bakas ni Sir Amiel, naiwan na lamang ang mabango niyang amoy. Tila ba may kung anong pumipiga sa puso ko upang makaramdam ako ng kirot at sakit. Napabuntong hininga ako at pilit na ngumiti. "It's done, kaya ko 'to," bulong ko sa sarili ko. Nanghihina akong naglakad papasok ng kwarto ko. Binuksan ko ang closet ni Sir. Tuluyang bumuhos ang luha ko nang makitang wala na roon ang mga damit niya. Wala na siya, umalis na siya at tinanggap na rin niyang maghihiwalay na kami ng landas. Parang kailan lang, sabay pa naming inaayos ang aming mga damit. Mananatili na lamang alaala ang lahat. Kinuha ko mula sa ilalim ng kama ang ma

