Amiel Harold's P. O. V. "Nerrisa." Halos mapatalon sa gulat si Nerrisa at humarap sa akin dahilan para mabitawan niya ang hawak nito. Tinignan ko ang nahulog at nanlaki ang mga mata ko nang makitang pregnancy test iyon. "A-Amiel..." bulong nito. Napatitig ako kay Nerrisa na kasalukuyang lumuluha. Nilagay ko sa lamesa ang hawak kong balot saka pinulot ang pregnancy test. "A-Amiel, let me explain--" "Explain what? Two red lines, Nerrisa. I know what this means," ani ko at itinaas ang pregnancy test niya. "H-Hindi ko alam kung anong gagawin ko, A-Amiel. P-Please help me--" Akmang hahawakan niya ako pero umatras ako. Pinipigilan kong tumulo ang luha ko, alam kong hindi sa akin ang batang dinadala niya ngayon. Tila ba dinudurog ang puso ko, ako ang nasurpresa ngayong gabi. "Kanino 'to?

