CHAPTER 1

1461 Words
CELINE POV Nakatayo lang ako sa gilid ng malaking puno kung saan malaya kong nakikita ang dalawang tao na kahit kailan hindi ko akalain na magagawa akong saktan. Rinig ko lahat ng pinag-usapan nila. Napatakan ng luha ang palad ko na ngayun ay nakakuyom. How could they do this to me? Naging masama ba ako sa kanila at nagawa nila sa akin to? Tila hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko at hindi makakurap. Naghahalikan si marcus at ang pinsan ko. Wala silang pakialam kung may makakita man sa kanila at ang lakas ng loob nilang gawin ang kalokohan nila dito sa bahay namin! Lumabas na ako sa pinagtataguan ko. Gusto kong saktan silang dalawa pero kinontrol ko muna ang galit na namumuo sa puso ko dahil sa nalaman at natuklasan sa kanilang dalawa. "Anong ibig sabihin nito marcus?.." agad na naghiwalay ang labi nila at nanlalaki ang matang napatingin sa akin si marcus. What now? Huling huli ko na sila. Napatingin ako sa pinsan ko na di ko akalain na aagawin sa akin ang boyfriend ko. Malandi! Pinsan ko ba talaga to? May kalandian din palang tinatago ang babaeng to. "Celine.." tumaas ang isang kilay ko dahil hindi niya magawang sagutin ang tanong ko. Napalunok ako ng makitang mahigpit na hinawakan ni marcus ang isang kamay ni elaine. Napakurap-kurap ako para pigilan ang luhang gustong kumawala. "I'm sorry celine kung ginamit kita para mapalapit ako kay elaine. Siya ang totoong mahal ko. I'm sorry" Hindi pa nagsi-sink in sa utak ko ang mga sinabi ni Marcus. Ako? Ginamit niya? Pero ang sabi niya mahal niya ako. Namalayan ko na lang ang sarili ko na mabilis na pumunta sa kinatatayuan nila at malakas na sinampal si marcus. Gulat namang napatingin sa akin si elaine. "How dare you na saktan si marcus ha!.." Galit na sabi ni Elaine. Nanlilisik ang kanyang mata habang sinasabi iyon. Ngumisi ako sa kanya. Bago ko siya bigyan ng mag-asawang sampal. "You deserve it slut.." marahas ang paghablot ni marcus sa kamay ko na s'yang ginamit ko panakit kay elaine. "Aray-aray marcus nasasaktan ako!.." Bumaon ang kuko ni marcus sa braso ko at marahas na binitawan. kaya napaabante ako ng dalawang hakbang. Naramdaman ko rin ang pagmanhid ng pisngi ko. Tila sinaksak ang puso ko sa sakit. Nagawa akong saktan ng lalaking mahal ko. Ang pinakamasakit doon ay hindi niya ako minahal. "Wala kang karapatang saktan ang girlfriend ko.." may diing sabi ni Marcus. Hindi makapaniwalang napatingin ako kay marcus. Ang sakit, ang sakit- sakit. "Subukan mo ulit s'yang saktan ako ang makakalaban mo.." pagbabanta niya sa akin. Nakita ko naman ang pag-ngisi ni elaine. Mahina akong natawa hanggang maging malakas ito. "Do whatever you want. I don't care but let me tell this to you my dear. I won't let the two of you happy. Lahat ng sakit na pinaranas niyo sa akin ibabalik ko!" Nakita ko ang paglunok ni elaine. Kilala niya ako. Kapag may gusto ako. Nakukuha ko sa parang alam ko at walang sino man ang nakakapagpigil sa akin. "Babe let's go..." saad ni elaine kay marcus. Nagpahila naman si marcus kay elaine pero bago pa sila makalayo sa akin ay nagsalita akong muli. "Ano kaya ang sasabihin ng mga magulang natin elaine kapag nalaman nilang inagaw mo sa akin ang boyfriend ko." Napahinto naman si elaine kasabay ni marcus. May sumidlang takot at galit kay elaine ng lumingon siya sa akin. "Don't you dare na sabihin kay dad ang tungkol sa amin ni marcus. hayaan mo na lang kaming maging masaya!" Sigaw niya sa akin. Napairap ako. "Sino ka para sundin ko? Alam mo na kapag gusto ko. walang makakapagpigil sa akin. So sorry na lang kung bukas o makalawa wala na kayo HAHA.." sinabayan ko pa ng pekeng tawa na s'yang lalong nagpainis sa kanya. Binulungan siya ni marcus at umalis na sa garden. Nagpunta na sila sa loob ng bahay namin. Naglakad ako papunta sa swing dito sa hardin at inisip ang mga pangyayari na ngayun lang naganap. Nagsiunahang magbagsakan ang luha sa mga mata ko. Ang tanga ko dahil nagpaloko ako. Ang tanga ko dahil hindi ako nakatunog. ang tanga ko dahil nagmahal ako sa maling lalaki. Nag-angat ako ng tingin ng maramdaman ko na hindi lang ako nag-iisa dito sa hardin. Nakita ko sa mga mata niya ang lungkot at awa para sa akin. Pilit ang ngiti ang binigay ko sa kanya. Naupo siya sa tabi ko at hinawakan ang kamay ko. "Iha ano ba ang ginagawa mo dito? Kanina ka pa namin hinahanap at bakit ka umiiyak?.." Tanong ni Tito damian na s'yang ama ni elaine. Malapit ang loob ko sa kanya dahil simula ng pagkabata sila na ni Tita maureen ang nakakasama ko tuwing busy sa work ang magulang ko. Napayakap ako ng mahigpit sa kanya at hindi napigilang humagulgol ng iyak. Naramdaman ko ang init ng palad niya sa likuran ko at inaalo ako. "Ano bang problema iha at umiiyak ka?" Tanong niya ng makawala ako sa pagkakayakap ko sa kanya. Pinunasan ko muna ang luha sa mga mata ko. "Wa-wala naman po. Masaya lang po ako ngayun kasi kasama ko po kayo.." ani ko. "Ganun ba ikaw talagang bata ka. Sige na pasok na tayo sa loob.." tumango ako at ngumiti. Dumaan kami sa kitchen at nagpunta na sa dinning kung saan naririnig ko mga boses nila. Nagpakawala muna ako ng buntong hininga at naupo sa tabing upuan ni mom. Kaharap ko si marcus na katabi sa upuan si elaine. Nagtatawanan ang dalawa na tila walang pakialam sa mga kasama nila dito sa dinning. Napayuko lang ako at hindi na inabala pang tignan sila dahil nasasaktan ako sa nakikita ko. Nagbibingi-bingian ako para hindi lalong masaktan. "Anak are you okay?.." tanong ni mommy. marahan akong tumango at nagpilit ng ngiti. "Yes mommy bakit hindi. birthday ko today so dapat lang maging masaya ako.." Binalingan ko naman ng tingin ang dalawa ng makitang nakatitig din sila sa akin. "Bakit hindi mo sabihin sa kanila elaine na may boyfriend ka na.." ani ko sa kanya. Nagulat siya ng sabihin ko iyon at nilibot ang tingin ang pamilya namin na nandito. Nakatingin ang lahat sa kanya. "Bakit hindi mo sabihin sa kanila na nakipagrelasyon ka sa boyfriend ko.." dagdag ko pa. Narinig ko ang pagsinghap ng pamilya namin. lalo na ang pamilya ni marcus na kasama namin dito. "If you think na palalagpasin ko to. hindi, nagkakamali ka dahil hindi lang ako ang niloko mo kundi ang pamilya natin!.." napalakas na ang boses ko. Tumayo si tito damian at ginawaran ng sampal sa pisngi si elaine. "How dare you to do this to your cousin. bakit nakuha mong agawin ang lalaking mahal niya!" Galit na sabi ni Tito kay elaine. Tumayo na rin si elaine at puno ang luha sa mata na sinalubong ang nanlilisik na mata ni tito damian. "Dad, mahal ko si marcus. I'm so sorry if I disappoint you but I really love him..." sagot ni Elaine. Nabaling naman sa akin ang mata ni elaine. Di ko namalayan na nakalapit na siya sa akin at hawak ang buhok ko. Nagkagulo na ang lahat dahil sa ginawa niya sa akin "I told you not to tell this to my family. Ang dapat sayo ningungudngod sa sahig para magising ka sa katotohanang ako ang mahal ni marcus. Napakaingetera mo!" Galit na sabi ni elaine. Parang gusto ng umalis ang buhok ko sa anit dahil sa paraan ng mahigpit ang pagkakahawak sa buhok ko ni elaine. Nakalmot ko ang mukha niya at nabitawan niya kaagad ang buhok ko pero hindi ko namalayan na nasa lapag na ako at sapo ang buhok na nagkabukol na ata dahil sa mahigpit na paghila ni elaine. "Anak are you okay?.." tanong sa akin ni mommy ng makalapit sa akin. Nakita ko ang paghawak ni marcus kay elaine at umalis na sila ng hindi napapansin ng pamilya namin. "Anak dinudugo ka.." Napatingin ako sa hita ko ng may dugo. Nanlalamig ang kamay pero nakuha ko pang hawakan ang dugo na iyon. Ngayun ko lang narealize kung bakit ako dinudugo. Ang baby ko! "Mommy.." hirap na tawag ko sa aking ina. "Mommy! Ang baby ko!.." nagpapanic na sabi ko. Nanlalaki ang kanilang mata. "Hon, dalhin na natin sa hospital anak natin!.." pasigaw na sabi ni mom. Hindi gumagalaw sa pwesto niya si dad. Nakatingin lang siya sa akin ng tawagin ulit siya ni mom dun lang bumalik sa ulirat si dad. Agad nila akong binuhat at nilabas ng bahay. Tinawag nila si manong na driver at agad nila akong pinasok sa loob ng kotse. Lord please wag sanang mawala sa akin ang baby ko. Siya na lang ang natitira sa akin. Wag mo po sanang kunin sa akin ang baby ko. Piping dasal ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD