For a while, I couldn't speak! Literally, I was speechless! At nang makabawi ako mula sa pagkagulat, naisaboy ko sa kanya ang natirang champorado sa aking mangkok. Abortion? How could I do that? Ni hindi ko nga mahanap sa aking bokabolaryo ang salitang 'yon? At bakit ko naman papatayin ang sarili kong anak,aber? Oo nga at iniwan ako ng lalaking nakabuntis sa akin pero hindi iyon sapat na dahilan upang ipalaglag ang batang nasa sinapupunan ko. It's just too cruel knowing that I was aware of the consequences when we did it! It's purely horrible! "Ana!"Biglang tumayo ang lalaki nang maramdaman nito ang init ng champorado sa kanyang balat. "Fyi, Mr. Omar Alvarez, hindi ko ipinalaglag ang anak natin. Patay na siya noong isinilang ko!" Noong nakumpirma ko na ako'y buntis nga, magkahalong saya