Para kaming mga bagong kasal na nagkulong lang sa loob ng bahay at sinulit ang bawat oras na wala kaming trabaho. Kung si Samer lang ang masusunod, mas gusto raw niya na huwag na muna kaming magtrabaho kahit isang buwan, syempre, umayaw ako. Medyo malibog kasi siya at kung papayag ako sa kanyang kagustuhan, naisip ko lang na baka malosyang ako kaagad. Syempre, hindi ako makakapayag na maging losyang kaagad lalong-lalo na at mga katulad ni Sarah ang aking karibal sa kanyang puso. “Pwede namang dito na lang tayo sa bahay, eh.” Sabi niya sa akin habang sabay kaming naligo. “Eh di hindi ka sana nagtayo ng hotel!” Pinagalitan ko siya kasi hindi naman pwede na iasa na lang sa ibang executives ang pagpapatakbo ng Darwish. Isa pa, ilang beses ng nagtext si Mariz