“Hello? Hello? Omar? Nandyan ka pa ba?” Nagpanic ako nang malaman ko na pinatay na niya ang tawag. Pupuntahan daw niya ako? Sa bahay? Naku po, ayokong magkagulo na naman ang dalawang lalaki. Ilang beses ko ng tinawagan ang kanyang numero ngunit nagri-ring lang ito palagi at hindi sinagot. Ano ang gagawin ko? Paano kung bigla na lamang susulpot si Omar sa aking bahay? Lagot ako kay Samer! “Anna? Are you there? Buksan mo ‘tong pinto, let’s talk baby.” Napatingin ako sa may pintuan na parang baliw. Siguro kung may cctv sa aking silid, makukuha nito kung paano ko pinandilatan ang doorknob. Naimbyerna pa ako kay Sam ngunit kung hahayaan ko na lang siya sa labas at huwag kibuin, baka maabutan pa ito ni Omar. Kaya hindi na ako nagdalawang-isip pa at inalis ang k