“Bakit hindi mo kasama si Samer?” Nag-usisa si Omar habang pauwi na kami ng San Agustin. “May inasikaso lang,” nagsinungaling ako. Kung ano man ang nangyari sa amin ni Samer, sa akin na lang ‘yon at hindi ito malalaman ng ibang tao, pati ni Mariz. “Sa hotel ka ba matutulog mamaya?” Nagtanong ang lalaki. “Yes, bakit?” Gumanti ako ng tanong. “Isa sa mga benefits ko ang pagkakaroon ng sariling kwarto sa hotel kaya doon na rin ako matutulog mamaya,”sabi ng lalaki. “Bahala ka,” sabi ko. “Pero ano’ng mangyayari doon sa sasakyan ko? Wala pa namang towing company malapit sa atin,” nabahala ako kasi bago pa ang sasakyang ‘yon. “Akon na ang bahala doon at ipanatag mo na lang ang kalooban mo,” sabi