Bihira lang ang mga tao sa simbahan nang dumating kami ni Omar. Ang simbahan ng San Agustin ay napapalibutan ng maraming puno ng kalachuchi kaya malamig ang lugar kung saan pwede kaming magtirik ng kandila. Gumaya si Omar sa akin at kumuha rin ito ng kandila at saka nagdasal. Pagkatapos naming magtirik ng kandila, ayoko pang bumalik sa hotel dahil natatakot akong makitang muli sina Sarah at Samer na naglalambingan. Baka iyon pa ang ikamatay ko kapag atakihin ako sa puso. “Babalik na ba tayo sa hotel?” Tinanong ako ni Samer at umiling lang ako. “Mamaya na lang siguro,” sumagot ako. “Gusto mo bang mamasyal muna? Or joyride lang? May helmet naman eh kaya hindi makikita ang mukha mo,” suhestiyon niya. “Wala na