Magkasama kaming lumabas ng bahay upang papasukin si Omar. Nang makababa ang lalaki mula sa kanyang motorsiklo, nakatuon ang kanyang mga mata sa kamay ni Samer na nakakapit sa aking baywang. “Halika, tumuloy ka sa loob.” Sabi ko kay Omar, at naramdaman ko na medyo awkward ang pakiramdam niya. “Kumusta na pala kayo ni Paula?” Tinanong ko siya habang naglakad kami papunta sa bahay. “Okey lang,” matipid nitong sinagot ang aking katanungan. “Mabuti naman kung ganun,” sabi ko. Nang makapasok kami sa bahay, hindi kami nabigyan ni Omar ng privacy kasi laging nakabantay si Samer sa amin. Para kaming nasa sinaunang panauhon kung saan binabantayan ng abuela ang kanyang apo habang nakipag-usap sa manliligaw. Ilang beses kong sineny