Pagdating ko sa hospital ay kaagad akong nagtungo sa silid ni Samer. Nagdala na rin ako ng mga pagkain namin upang mas mabantayan ko siya ng maigi. Pagdating ko sa fifth floor, nakita ko ang nurse na nasa labas. Hindi ba at dapat ay nasa silid ito at binabantayan ng maigi ang pasyente? Kumunot ang aking noo at tumaas ang aking kilay habang nilapitan siya. “Excuse me, pero bakit nasa labas ka? Hindi ba at pinabantayan ko sayo ang aking nobyo?” Ayun, inemphasize ko talaga na nobyo ko ang nasa loob at hindi sa kung sino lang. “Eh, dumating po kasi ang asawa at mga anak niya.” Sumagot ang nurse, at nung tiningnan niya ako, parang gusto niyang sabihin sa akin na huwag akong mag-inarte kasi kabit lang ako. “Sina Sarah? Hmmm fyi, hindi siya asawa. Divorced na sila,” sabi ko kahit hindi na sana