Pagkagaling sa probinsya ay dumiretso ako sa Darwish Hotel. Balak kong hiramin ang mga bata at isama sa Highlands kung papayag si Samer. Gusto kong ma-meet nina Khaleel at Ameera sina Groot. Nagtext muna ako kay Samer kung pwede ba akong pumanhik sa itaas. Imbes na magreply sa aking text ay tumawag ang lalaki sa akin. "Sweetheart, hintayin mo ako sa lobby, okay?" sabi nito sa kabilang linya. Syempre, nagtaka ako kung bakit sweetheart ang tawag niya sa akin. Ah, baka nagkami lang ako ng dinig. Siguro, dahil sa nangyari kanina sa sementeryo kaya nagkadiperensya na kaagad ang aking pandinig. Nasa entrance pa lang ako ng Darwish nang mamataan ko si Samer na naglakad papunta sa akin. Kumunot ang aking noo nang mapansin ko ang kanyang hitsura. Something wasn't right, and I could tell it from