Chapter 22 “You’re not going to show them that!” muling pigil nito sa kanya. Inirapan niya lamang ito at lumapit na kay Janette. “Ayaw ba talaga ni Kuya Gabrielle, ate?” nag-aalala pang tanong ni Janette sa kanya. “Don’t mind him. I will do everything para manalo kayo,” nakangiti niyang sagot kay Janette. Mabilis naman na nagliwanag ang mga mata ni Janette sa kanyang sinabi. “Go ate! Sisigaw talaga ako ng malakas!” excited pang wika ni Janette. Sasagot na sana siya nang bigla namang tumabi si Gabrielle sa kanya. Masama pa rin ito kung makatingin sa kanya. Talagang ayaw magbago ang isip nito at talagang buo na ang desisyon na huwag siyang payagang rumampa sa gitna ng court. Hindi niya na lamang ito pinansin at tuluyan na ngang nagsimula ang event. Hanggang sa nagsimula na ngang ipakila