CHAPTER 1

821 Words
Aria's POV Magmula ng umalis ako sa bahay na iyon, yun na rin yung huling araw na nakita at nakasama ko siya. Inaamin ko sobrang namimiss ko na siya pero kailangan kong sanayin ang sarili ko na wala siya sa tabi ko na masaya na siya sa iba, na hindi na niya ako kailangan sa tabi niya o kaya ibinigay ko ang gusto niya. Dahil siguro sa tagal ng panahon na wala ako sa tabi niya hindi ko namalayan na birthday na niya ngayon, siguro masaya siya na nagcecelebrate ng birthday niya kasama yung babaeng yun, ang unang babaeng minahal niya bago ako. Hindi ko yata mabibigyan ng magandang buhay yung mga anak ko, dahil masaya na yung daddy nila sa iba. Don't worry mga anak, nandito si mommy hindi ko kayo papabayaan at iiwan tulad ng ginawa ng daddy niyo na mabilis tayong ipinagpalit sa unang minahal niya. "Hanggang kailan ka ba iiyak ng dahil sakanya princess?" Naiinis na tanong ni Kuya riley. "I'm sorry kuya, hindi ko lang talaga mapigilan." Malungkot na sabi ko. "It's okay. Sorry rin princess, please wag kanang umiyak makakasama yan sa mga pamangkin ko." Sabi ni kuya sabay punas ng mga luha ko. "Yes kuya, thank you." Nakangiting sabi ko. "Tanong lang okay, pero ayaw mo ba talaga na ipaalam kina mommy ang kalagayan mo?" Biglang tanong ni kuya. Napabuntong hininga muna ako bago sumagot. "Alam mo naman yung sagot dyan kuya, ayoko talaga. Pag sinabi mo tiyak na malalaman kaagad ni Eli yun. Alam mo naman close yung mga yun ee." "Okay mukhang wala talaga akong magagawa, desisyon mo yan pero alam mo na walang lihim na hindi nabubunyag lalo na kilala mo ang mga magulang natin pati yung asawa mo na ang sarap ipabugbog." Sabi nito, kaya napatawa naman ako. "Salamat kuya." Pumikit muna ako bago sumandal sa couch, feeling ko talaga sobrang sakit nang tyan ko kanina ko pa to nararamdaman pero ipinagsawalang bahala ko na lang pero parang sumasakit talaga. Hindi ko tuloy maiwasan hindi haplusin yung tyan ko na sobrang laki na. "A-aray." Naiiyak na pahayag ko. Kumikirot na talaga. "K-kuya." Tawag ko. "What happen princess?" Nag-aalala na tanong nito. "Sumasakit na yung ty---." "What the hell?! What happen? Bakit may tubig na dumadaloy sayo?" "Fvck! Kuya my water bag is already broke." Naiiyak na sabi ko. "What?!" "Kuya Riley! Please just bring me to the hospital! Nowwwww!" Sigaw na sabi ko. Tila parang nagising siya sa klase na pagsigaw ko kaya dali-dali niyang kinuha yung susi ng sasakyan at binuhat ako papuntang kotse saka ako isinakay. "Kuya please faster." Pagkarating sa hospital binuhat niya ulit ako at inasikaso naman ako ng ibang mga nurse na nag-aabang samin sa labas ng entrance ng hospital at ipinahiga ako sa stretcher saka ipinasok sa delivery room kung saan ako manganganak. - "Princess, push pa. Fighting." Pagpapagaan na sabi ni kuya. "Hmmmmm. K-kuya." Sabay hawak ng mahigpit sa kamay niya. "Mrs. Walton, please more push." Sabi ng doctor. "Hmmmmm. Hmmmmmm." "Push pa misis, kaya mo yan malapit ng lumabas." "Hmmmm. Hmmmmmm." *Baby's Crying* "5:20 pm. It's a baby boy. Congratulations." "Another push pa misis." "Hmmmmmmmmppp." "More princess, kaya mo yan." Sabi ni kuya. "Yung ulo ng baby malapit na. Push pa misis." Sabi ulit ng doctor. "Hmmmmmppp." "Hmmmmmmppp. Hmmmmmmp." *Baby's Crying* "5:23 pm. It's a baby girl. Again congratulations Mrs. Walton." Nakangiting sabi ng doctor. Siguro sa sobrang pagod ng panganganak hindi ko namalayan nakatulog na pala ako. Thank you God for giving me a beautiful and handsome babies like them. I will treasure this wonderful gift I received. Pagkamulat ko nakita ko si kuya na nakatingin sa bintana. "Kuya." Tawag ko, dahilan para humarap ito sakin at dali-dali naman siyang lumapit at umupo sa tabi ko. "Are you okay princess? Okay na ba yung pakiramdam mo?" Sunod-sunod na tanong nito. "Yes kuya, nasaan pala yung mga anak ko?" Tanong ko. "Parating na yung dalawang nurse na magdadala dito sa mga kambal." Lumipas ang ilang minuto may kumatok sa pintuan kaya tumayo si kuya at pinagbuksan yung dalawang nurse na buhat yung mga anak ko. Inalalay naman ng isang nurse yung isa kong anak sa tabi ko at ibinigay sakin. Habang yung isang nurse naman pinabuhat kay kuya na ngayon ay tulog pa. Hindi ko maiwasan na hindi maiyak dahil ngayon ay hawak ko na ang isang anak ko na tulog rin gaya ng kambal niya. "Ma'am pwede na po ba natin malaman kung anong ipapangalan mo sakanila?" Tanong ng isang nurse. "Yes. Yung panganay Jacob Eli Romero-Walton." Nakangiting sabi ko habang nakatingin sa anak ko na nakahiga sa dibdib ko. "Habang yung pangalawa naman Hannah Aria Romero-Walton." Dugtong na sabi ko habang nakatingin sa anak kong babae na buhat parin ni Kuya Riley. Tinitignan ko silang pareho habang nakangiti abot hanggang tenga dahil sa kasiyahan na nararamdaman ko. Eli, thank you for this wonderful gift. Nakangiting payagan ko sa isip ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD