PROLOGUE

233 Words
Pagkabukas ko ng pintuan, nakita ko yung boss ko na nakatayo habang may kausap na lalake na nakatalikod at mukhang masaya silang nag-uusap base narin sa mga naririnig ko dahil nagtatawanan sila. Bigla naman akong tumikhim para kunin yung pansin nila, hindi naman ako nagkamali dahil lumingon yung boss ko dito sa pwesto ko. Ngunit parang huminto yung takbo ng oras dahil lumingon rin yung bisita niya na pinagsisisihan ko na ginawa ko yun. "Long time no see my lovely wife." Nakangiting bati nito. P-paanong? Hindi ako makapaniwala na ang kausap ng boss ko ay ang dating asawa ko, hindi kaagad ako nakareact dahil sa sobrang pagkabigla. Paano? Panaginip ba to? Kung panaginip lang ito kailangan ko ng magising kaagad. "P-paanong nangyari to?" Nauutal na tanong ko. "I'm your new boss for awhile." Simpleng sagot nito. Landon Eli's POV Kung sinuswerte ka nga naman! Ang magiging secretary ko pansamantala ay si Timmy ang asawa ko. Hindi ko alam pero mukhang nagulat ito ng Makita niya ako. Gusto ko siyang lapitan, yakapin, at halikan. God knows how much I damn missed my wife. Hindi na pala ako mahihirapan sa paghahanap sakanya, dahil siya na mismo ang nagpakita sakin ng harapan. "P-paanong nangyari to?" Nauutal na tanong niya. "I'm your new boss for awhile." Simpleng sagot ko sakanya. Lumapit ako sakanya at niyakap siya ng sobrang higpit hindi niya alam kung gaano ko siya namiss.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD