Kinabukasan ay maaga akong nagising. Napakabigat ng pakiramdam ko kaya inis na tinanggal ko ang braso ni Indigo na nakayakap sa akin. Kaagad akong tumungo sa banyo at nag-ayos ng sarili. Naglagay ako ng simpleng make up at nagsuot ng kulay puting dress. Nang makita ang sarili sa salamin ay nakangiting kinuha ko ang sticky note sa aking bag at nag-iwan ng note kay Indigo. Nakangiting tinungo ko ang clinic na nasa bayan. Ang totoo'y last week ng nakaraang buwan nang makaramdam ako ng tila pagbabago sa aking sistema. Noong una'y isinawalang bahala ko iyon. Pero nang hindi ako datnan sa first week ng buwang ito'y kinabahan na ako. Kaba, dahil alam kong maganda ang kalalabasan ng nangyayari. "Mrs. Vergara?" Tawag sa akin ng isang babae. "Kayo na po ang sunod." Ilang beses akong nagpakawa
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books