bc

Heartless Sweetheart

book_age16+
7.0K
FOLLOW
30.6K
READ
teacherxstudent
second chance
student
drama
bxg
campus
first love
teacher
passionate
stubborn
like
intro-logo
Blurb

Paano kung ang taong malaki ang naging parte sa buhay mo ay biglang bumalik? Paano kung sa pagbabalik nito ay muli ring bumalik ang mga alaalang pinipilit mong ibaon sa limot? Bibigyan mo pa ba ng ikalawang pagkakataon ang pag-ibig na nabuo sa kamusmusan ng puso?

chap-preview
Free preview
Simula
MALI ba ang magmahal ng taong alam mong sa umpisa pa lang ay hindi para sa iyo? Mali ba ang sumugal ka sa bagay na alam mong walang kasiguraduhan? Pero, ang tanong na umuukilkil ng labis sa isip ko ay kung tama bang ipaglaban pa ang nararamdaman kung siya mismo itinatago ang kung anong meron kayo? Tama bang ipilit ang relasyong pinilit dahil sa kamusmusan ng puso? Ewan, hindi ko na yata alam kung anong iisipin ko. Mali yata ang lahat. Mali yatang siya ang minahal ng bata kong puso. — "Hi, little Elle, kumusta?" Awtomatikong kumurba ng ngiti ang mga labi ko nang marinig ko ang boses ni Indigo. Kaibigan siya ng kuya ko. Sa edad kong sampu ay alam ko nang may natatangi akong pagtingin sa kaniya. Nalaman ko iyon, noong minsang saluhin niya ako mula sa naputol na duyan; bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung alam na ba iyon ni Indigo, pero sa tingin ko'y oo. Hindi niya lang yata ipinapahalata para hindi siya kagalitan ni Kuya. "Ayos lang ako Indigo." malaki ang ngiting sabi ko habang iniipit ang ilang hibla ng buhok sa tenga. "Kuya Indigo, Elle. Desi-siete na si Indigo kaya matuto kang gumalang." saway sa akin ni Manang Lolit, ang kasambahay namin. "Hayaan mo na siya Manang, sanay naman ako." nakangiting sabi ni Indigo na siyang nagpakilig muli sa akin. "Nasaan nga pala ang Kuya mo?" Bigla akong napasimangot nang marinig ko ang tanong niya. Andito pala siya para kay Kuya. "Wala, umalis." nakasimangot kong sabi bago nakangusong pumasok sa loob ng bahay. "Hey, are you mad?" natatawang tanong sa akin ni Indigo. Hind na lingid sa kaalaman ni Indigo na may pagtingin ako sa kaniya. Hindi lang talaga nito iyon pinagtutuunan ng pansin dahil nga sa bata pa ako. Isa pa, kapatid ako nang matalik niyang kaibigan. "Oo! Akala ko kasi nandito ka para sa akin." diretsa kong sabi na ikinanganga ni Indigo. Saglit lamang iyon at bigla rin siyang napangiti. "Well, may dala ako para sa iyo." sabi niyang may ngiti sa mga labi. Ako bilang tanga at bata pa, madaling nawala ang inis ko. Kaagad akong lumapit at sinipat ang paper bag na dala niya. Isang kulay pink na sapatos ang nasa loob. Kahit hindi ko sukatin ay alam kong kakasya iyon sa akin. "Salamat Indigo!" malakas kong sabi bago ko siya niyakap nang mahigpit. Ramdam ko ang paninigas ng katawan niya dahil sa ginawa ko. Pero saglit lang ay gumanti siya nang masuyo at maingat na yakap. "Hoy, Indigo, sabi ko sayo, maghintay ka diba?!" nanlalaki ang matang sabi ni Kuya. Kapapasok lamang niya ng bahay bitbit ang bolang ginamit nito sa paglalaro. "Easy Rei. Alam ko ang limitasyon ko." makahulugan niyang sagot. Nagtataka man ay hindi na lamang ako nagtanong. Nakangiting dinala ko ang sapatos sa loob ng kuwarto ko. Lumipas ang ilang taon na laging ganoon ang nangyayari. Pupunta si Indigo sa bahay, hahanapin si Kuya pero ang mga dalang pasalubong ay para sa akin. Nasanay na yatang lagi niya akong binibigyan ng regalo. Halos lahat nga ng mga stuffed toys sa kuwarto ko'y galing sa kaniya. "Happy birthday Elle!" malakas na sigawan sa malawak naming sala. Pinipilit kong matuwa dahil ikalabing-pitong kaarawan ko ngayon. Pero hindi ko talaga magawa dahil sa isang taong kanina ko pa hinahanap. Pasimple akong bumalik sa aking kuwarto. Ini-lock ko ang pinto bago padabog na hinubad ang suot na malaking gown. "Too early to go to bed." Halos maestatwa ako sa kinatatayuan. Nabitin rin ang mga kamay kong nakahawak sa aking gown na ngayon ay nasa bewang ko na. "Already tired?" "W-What are you doing here?!" gulat kong tanong. Nawala na sa isip ko ang nakalantad kong katawan sa harap ni Indigo. "Aren't you looking for me, my sweet little Elle." halos pabulong niyang sabi bago marahang naglakad palapit sa akin. Mula sa tabi ng bintana hanggang sa makalapit siya sa aki'y hindi ko inaalis ang tingin sa kaniyang mga mata. "Indigo." Hinawakan niya ako sa pisngi habang nakatitig pa rin sa mga mata ko. Napansin ko ang magulo niyang buhok at ang long sleeves niyang bukas ang unang butones. Malamang galing itong opisina. "Happy birthday." nakangiti niyang sabi. Nanlaki ang mga mata ko nang marahan niyang inilapit ang mukha sa akin. Awtomatiko akong napapikit nang unti-unti kong naramdaman ang paglapat ng labi niya sa aking mga labi. Indigo. Sa ilang taong pagpapansin ko, ngayon na yata nabigyan ng sagot ang mga iyon. "F*ck" sabi ni Indigo sa pagitan nang paghahalikan namin. Habol ko ang paghinga nang pakawalan niya ang mga labi ko. "Indigo.." "Fix yourself, habang nakakapagtimpi pa ako." sabi niyang ikinapula ng mga pisngi ko. Kaagad kong itinaas ang gown na suot. Mabilis rin ang galaw na lumapit ako sa aking damitan. Nang makuha ang mga pamalit na damit ay kaagad na akong dumiretso sa banyo. "So..." sabi ko nang makalabas ako sa banyo. Prenteng nakaupo lamang si Indigo sa dulo ng aking kama. Malalim ang pagkakatitig niya sa akin. Para bang gusto niya akong tunawin. Naiilang na humarap ako sa salamin. Kumuha ako ng make up remover at ilang wipes. Habang ginagawa ko iyo'y napansin ko mula sa salamin ang paglapit sa akin ni Indigo. Malakas ang kabog ng dibdib na pinagmasdan ko ang pagyakap niya sa akin mula sa likod. Mas lalo akong namula nang walang sabi-sabi niyang halikan ang aking leeg. "Indigo, kakatuntong ko lang sa edad na desi-siete. Huwag kang ganiyan." pagbibiro ko. "I love you." sabi niyang ikinanganga ko. Mula sa salamin ay kita ko ang titig niya sa akin. "Pero, wala pa ako sa-." "Pwede naman nating itago saglit diba? Hindi magagalit si Rei. Isang taon na lang naman." may ngisi niyang sabi bago hinigpitan ang pagyakap sa akin. Usapan kasi nila ni Kuya na pwede lang akong ligawan kapag eighteen na ako. Pero itong si Indigo hindi makapaghintay. "Ayaw ko lang maunahan." sabi niyang tila nabasa ang nasa isip ko. "I love you too." sagot ko bago niya ako muling hinalikan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
182.1K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
80.4K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
139.5K
bc

His Obsession

read
90.8K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
28.1K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
11.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook