Kabanata 1

1392 Words
"I told you, stop chasing that guy! Ikaw din ang masasaktan bandang huli!" I said while sipping my orange juice. Nasa cafeteria kami ni Cass, taking our break together since this is the only time we can talk to each other. Magkaiba kasi ang kurso naming dalawa. She's also a transferee. Hindi ko nga alam kung bakit naging kaibigan ko kaagad ang babaeng ito. We just met for only two weeks at magaan na agad ang loob ko sa kaniya. But, God!! She's into Sir Brick! Her Professor for goodness sake! Hindi ba't nakakakaba iyon? "Well, he asked me to pretend as his girlfriend." sabi niyang halos ikasamid ko. I immediately roamed my eyes around the cafeteria. Mahirap na't baka may makarinig. "I can't say no, you know how much I wanted to prove to him na malinis ako. Na hindi ako patapong bababe." "Alam ko kung anong gusto mong palabasin. Pero Cassidy, he's dangerous, very dangerous." "But I love him." "Oh please." napahilamos na lamang ako sa aking mukha nang marinig ang sinagot niya sa akin. "What do you know about love? Ang mga uri nila hindi pang "love". Paglalaruan ka lang nila tapos hindi mo alam unti-unti ka na palang iniiwan." As much as I wanted to restrain myself from telling her my own experience, there's this feeling that I should let her know. Hindi naman sa ayaw kong mag-open kay Cassidy, ayaw ko lang talagang pag-usapan pa ang mga bagay na wala namang kwenta. "Tunog sawi ka na ah." pangangantiyaw niya sa akin. "I am. So please, take my advice." mahina kong sabi bago ipinagpatuloy ang pagkain. Wala na akong narinig mula kay Cassidy. Maybe she understands me, o baka pinipigilan niya lang ang sariling magtanong sa akin. Nang matapos kami sa pagkain ay kaagad na kaming lumabas ng cafeteria. Dahil mauuna ang building ng education department ay naunang makapasok si Cassidy. Isang buntong-hininga ang pinakawalan ko nang makita ang malaki niyang ngiti sa lalaking nasa harap. Nakakunot ang noo't umiigting ang mga panga nito habang nakatutok sa laptop. "Brick Montecillo. Nice name, but I know your kind. Hindi ka nalalayo sa bestfriend mong manloloko." Mariin kong bulong bago diretsong nilakad ang kahabaan ng hallway. Ito ang nakakainis sa university na ito. Napakalayo ng building ko! Nakakapagod maglakad! "Masyado pang maaga para sumayad iyang nguso mo sa lupa." I automatically raised my eyebrows when I heard his voice. Hindi ko pa man siya nakikita kumukulo na ang dugo ko. Hindi ko pinansin ang lalaking nakatayo sa harap ko. Mabilis ko siyang nilagpasan. "Elle, please." mahina niyang sabi habang hawak ako sa kanang braso. "Let me go." mariin kong sabi. Hindi ko siya tinitingnan dahil ayaw kong muling bumuhos ang mga alaalang parang bangungot na gustong pumatay sa akin. He let go my arm. Marahil ay natauhan ang gago. Akala siguro'y wala kami sa eskwelahan. Ilang taon na nga ba? Two? Three? I don't know. I can't remember. Sa sobrang sakit ng ginawa niya'y hindi ko na maalala. Lahat ng masasayang nangyari sa aming dalawa'y natabunan ng sakit na gawa ng panloloko niya. Mabilis kong kinuha ang libro sa aking desk bago lumabas ng classroom. Hindi ko yata kayang magtagal sa school lalo pa't may nagpaalala na naman sa akin kung gaano kasakit ang mga nangyari sa mga nakaraang taon. We were happy. I was happy every time we go out. I was in loved with his eyes, his lips, his voice. ..and with him. He was my first in everything. Kabilang na ang first heartbreak ko. And yes, he was my first. Ginawa namin iyon dahil nasa ilalim ako ng espiritu ng alak. Pero wala akong pinagsisihan. Hindi ko pinagsisihang sa kaniya ko iyon ibinigay. Iniisip ko na lang na katulad ako sa ilang mga babaeng nasa makabagong henerasyon. Kung saan parang normal na lang ang pakikipagtalik. Pero gusto kong linawin na siya ang una at huli. Hindi ko na yata masisikmurang gawin iyon kasama ang ibang lalaki. Siya ang unang lalaking nanakit sa akin na halos ikabaliw ko. Kaya ipinangako ko sa aking sarili na kahit anong mangyari hindi ko na hahayaang maulit ang mga iyon. Hindi ko na hahayaang maulit ang pagiging tanga ko. I went home. Nasa pintuan ako nang makasalubong ko si Kuya. Katulad ng matalik nitong kaibiga'y mas lalong nadepina ang mukha nito. Hapit sa v-neck shirt ang malaki nitong katawan. Matangkad at maganda ang tindig. "Why so early?" tanong niya sa akin. Binigyan niya ako ng magaang halik sa noo at isang mahigpit na yakap. "Wala na ba kayong klase?" "Nah." mabilis kong sagot bago yumakap sa kaniyang baywang. Nasa ganoong ayos kami habang naglalakad palapit sa malambot na sofa. "I'm just tired so I decided to go home." napapangiwi kong dagdag. "Really?" taas ang isang kilay na tanong niya sa akin. "Yeah." "Nagkita kayo ni Indigo, right?" Awtomatikong napaiwas ang mga mata ko. I heard him chuckled. "Damn, am I too obvious?" Marahan ang ginawang pagtango ni Kuya bago ako muling ipinaloob sa kaniyang mga bisig. "You'll soon understand everything." "Tapos na iyon Kuya. Ayokong muling—," "Hindi pa tapos Elle. You haven't heard his explanations. Ni hindi mo nga binibigyan ng pagkakataong makapagpaliwanag iyong tao." pangangaral niya sa akin. He has some point. Pero ayaw ko lang talagang pahabain pa ang usapin sa pagitan namin ni Indigo. "Hindi ba dapat galit ka dahil sinaktan niya ang nag-iisa mong kapatid? Bakit parang mas kinakampihan mo pa siya kaysa sa akin?" Sabi kong nakanguso. Kaya mabilis na ginulo ni Kuya Rei ang aking buhok bago pinitik ang aking ilong. "Wala akong kinakampihan. I've already listened to your explanation. Ganoon rin kay Indigo. Bakit hindi mo bigyan ng pagkakataong kayo naman ang makinig sa bawat paliwanag ng isa't isa?" "Kuya, alam mong hindi ko kaya. Galit pa rin ako kay Indigo! Hindi madaling kalimutan iyong ginawa niya. Kaya ayaw ko muna sa ngayon!" naiinis kong sagot na ikinabuntong-hininga na lamang ni Kuya. "I understand your point, but please, learn to give other people a chance to prove themselves. Malay mo, sa ikalawang pagkakataon, maging tama na ang lahat. Wala kang pagsisihan at sa huli, masasabi mong, tama ang naging desisyon mo..." "..and I will be happy." dugtong ko sa sinabi ni Kuya. "Rinding-rindi na ako sa mga pangaral mo Kuya. Kaunti na lang, iisipin ko nang pinagdaanan mo rin ang mga pinagdaanan ko." Isang ngisi ang pinakawalan ni Kuya Rei bago niya pinisil ang pisngi ko. "But I was the one who left." sabi niyang ikinalaki ng mga mata ko. For real? Bakit hindi ko alam na may ganoong karanasan si kuya? "Humingi ka rin ng second chance?" "I did,.." sagot niya bago sumandal sa sofa. "Pero mas pinili niya ang pangarap niya. Kaya yung second chance na hinihingi ko, wala pa rin hanggang ngayon." "Ohhh...that's sucks." "You think?" "Sino ba yun?" "Just...someone..." "Uh, whatever, kuya." Salubong ang kilay na sabi ko bago tumayo. "Magpapahinga na ako sa taas." Tanging pagtango lang ang isinagot sa akin ni Kuya. Kaya kaagad na akong umakyat sa taas. Pagkalapat pa lang ng pinto ng aking kuwarto'y isang buntong-hininga ang pinakawalan ko. Marahan kong isinandal ang aking likod sa nakasarang pintuan. Ilang minuto akong nakatulala sa aking mga paa, hanggang sa mapagpasyahan kong mahiga sa kama. Should I really need to give Indigo a chance to explain his side? Kaya ko na ba siyang kausapin na hindi kumukulo ang dugo ko? Marahan akong nagpakawala ng buntong-hininga bago naglakad palapit sa aking study table. Atubili kong kinuha sa maliit na drawer ang mga larawang kay tagal kong pilit na ibinabaon sa limot. Ilang beses ko nang ginustong sunugin ang mga iyon pero palagi akong nahuhuli ni Kuya. "We were supposed to have a happy ending." mahina kong sabi habang pinagmamasdan ang larawang kuha noong seventeenth birthday ko. Ang larawang nagpapatunay kung paano akong naging tanga at baliw kay Indigo. "What happened, Indigo?" Hindi ko na namalayan ang pagtulo ng mga luha ko. Hinayaan ko lang iyong dumaloy. "Bakit mo ako iniwan nang hindi man lang nagpapaalam? Bakit mo ako pinagmukhang tanga? Bakit mo ako binalewala? Bakit mo ako pinagpalit sa taong walang ibang ginawa kundi ang sirain ako sa iyo?" Mariin akong napapikit habang nakayuko sa lamesa. Tama na. Ayaw ko nang umiyak. Ayaw ko nang dalhin ang sakit at bigat sa dibdib ko. Gusto ko nang makalaya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD