Kabanata 2

1439 Words
"Jaycelle Cleo Ramirez?" Mula sa pagkakayuko sa aking upuan ay napaangat ako nang marinig ang boses na iyon. "Does anyone know where's Elle?" pag-uulit niya sa pagtanong. Isang tikhim ang pinakawalan ko nang magsilingunan ang ilan kong kaklase. "What do—." Natigil ako sa pagsasalita nang mapansin ang pagtiim ng kaniyang mga bagang. "I want to talk to you, in my office." Saglit na kumunot ang noo ko. May kailangan ba kaming pag-usapan? Tahimik na nilisan ko ang classroom na nagsisimula nang mag-ingay dahil sa hagikhikan ng mga babaeng head over heels kay Indigo. That guy sucks. Wala silang mahihita sa lalaking iyon. Kung pansinin man sila ni Indigo o kaya'y bigyan ng special treatment, I'm very sure that it will be all for fun. Napapairap na tumapat ako sa harap ng opisina ni Indigo. Isang buntong-hininga ang pinakawalan ko bago kumatok ng tatlong beses. Marahan kong binuksan ang pinto at kunot ang noong pumasok. "May kailangan po ba kayo sa akin, Sir?" tanong kong binigyang diin ang huling salita. Napansin ko ang pagdaan ng sari-saring emosyon sa kaniyang mga mata. Pero kaagad rin naman iyong naitago ni Indigo. Napalitan ng seryosong tingin ang mga iyon. "May kailangan po ba kayo o wala? Nasasayang po ang oras ko." Ayaw ko sanang magtaray dahil nasa school kami, pero di ko mapigilan. Nasasapawan ng inis at galit ang dapat na paggalang ko sa kaniya. "Rei wants us to have dinner." "Okay." Walang gana kong sabi bago tumalikod. Akma na akong lalabas nang muli siyang magsalita. "Hindi ka man lang ba magrereklamo?" "Hindi..." seryoso kong sabi bago muling tumalikod. "...dahil hindi ako pupunta." "Elle!" Hindi ko na pinansin pa ang mababalang tinig ni Indigo. Hindi ako pupunta sa dinner na iyon kahit pa ba kasama namin si Kuya. Hinding-hindi ako papayag na makasamang kumain ang katulad niya. Malalaki ang hakbang na nilisan ko ang kasumpa-sumpang opisina ni Indigo. Hindi ko yata matatagalan na makasama siya sa iisang silid. Naaasiwa ako. Ipinapaalala lang niyon ang mga bagay na dapat ibinabaon na sa limot. Malakas akong napasinghap nang may malakas na humigit sa braso ko. Matalim kong tiningnan si Indigo na ngayo'y pinauulanan rin ako ng matatalim na tingin. "What do you want?!" mariin kong angil na lalong ikinatiim ng kaniyang mga bagang. "Napakatigas ng ulo mo! It was Rei who—." "I don't care." matigas kong sabi. Malakas kong hinatak ang braso ko mula sa pagkakahawak niya. Pero mali pa lang ginawa ko iyon. Bigla akong nawalan ng panimbang. Tuloy-tuloy akong napaupo sa lupa. Di ko napigilan ang mapangiwi dahil sa masakit ang pang-upo ko. "Damn." narinig kong sabi ni Indigo bago ako akmang tutulungan sa pagtayo. Pero kaagad kong iwinaksi ang kamay niya. Walang ekspresiyong tumayo ako. "I don't need your help." Malamig kong sabi bago taas-noong naglakad paalis. Mariin akong napapikit nang muling maramdaman ang sakit sa aking balakang. - Narito ako sa infirmary. Wala naman talaga akong balak na pumunta rito. Pero itong si Indigo biglang pumasok sa classroom namin at ipina-excuse ako. Hindi ko naman siya pinansin, pero ang instructor ko na mismo ang nagsabing sumama ako sa damuho papunta sa school infirmary. "Nabugbog lang ang pang-upo mo. Magpahinga ka na lang muna." nakangiting sabi ng nurse na kasama namin. Pagkatapos ay lumingon ito kay Indigo na kung nakamamatay lang ang pagtitig ay kanina pa akong nakabulagta. He's staring at me like there's no tomorrow. "Salamat, Melissa." nakangiting sabi ni Indigo bago ngumiti sa nurse. Napaikot na lang ang mga mata ko nang makita ang pamumula ng nurse at ang mahina nitong paghagikhik. Kaagad kong ibinaling ang tingin sa kabilang side nang makita ang paglapit sa akin ni Indigo. "Uh, Sir Indigo, kamag-anak mo ba si Ms. Ramirez?" takang tanong ng nurse. Akala ko'y nakaalis na ito. Pero mukhang susulitin nito ang pagkakataon para makausap si Indigo. I tell you Ms. Melissa. Walang kahahantungan ang pagpapakyut mo sa lalaking iyan. He will definitely toy you around. He will get what he wants and then leave you after. That's what he did to me. Hindi ko nga alam kung bakit hindi man lang nagalit si Kuya sa lalaking iyan. Obviously he hurt me. Iyon nga lang, hindi alam ni Kuya na may nangyari na sa amin ng gagong si Indigo. Oh God, I hate him so much. "He's my best friend's sister. Para ko nang kapatid si Elle." Kahit hindi ako tumingin alam kong nakangiti si Indigo sa nurse. Hayop. "Kung may kailangan ka pa, tawagin mo lang ako." Malamyos ang tinig na sabi ng nurse na ikinatayo ng balahibo ko. Hindi halatang iba ang pinapaabot mo Miss. Hindi talaga halata na parang ibinibenta mo na iyang sarili mo. Isang tikhim ang narinig ko mula kay Indigo. Hindi ko siya nilingon. Bahala siya sa buhay niya. "Ang lalim ng iniisip mo. Baka mamaya patay na ako sa isipan mo, Elle." "Sana nga nakakamatay ang ganoon para tuluyan ka nang mawala sa buhay ko." mahina kong bulong sa sarili. Pinilit kong pumikit para ipaabot sa kaniya na ayaw ko siyang kausapin. Mukhang nakuha niya naman dahil kaagad siyang nagpaalam. May klase pa raw siya. Isang buntong-hininga ang pinakawalan ko. Ayaw ko man pero unti-unti na namang bumabalik ang alaalang iyon. Damn you Indigo. - "Elle, what are you doing here?" salubong ang kilay na tanong sa akin ni Indigo. Nasa opisina siya ni Tito Arnold. Kaagad akong humalik sa pisngi ni Tito bago tinapunan ng tingin si Indigo. "Bawal bang bisitahin kita? Hindi ka na bumalik sa bahay pagkatapos ng birthday ko." Kunwari'y nagtatampo kong sabi. Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Tito Arnold. Kaya kaagad ko siyang nilingon na may matamis na ngiti. "Elle, hija, busy si Indigo sa mga nagdaang araw. We were planning his marriage with my business partner's daughter. You know Kismet?" Awtomatikong nawala ang ngiti ko nang marinig ang sinabi ni Tito Arnold. Marahan kong nilingon si Indigo. "Si Kismet?" mahina kong tanong. Ah, si Kismet, iyong babaeng kasing edad ni Indigo. Iyong babaeng walang ibang ginawa kundi ang awayin ako noong sampung taong gulang ako. Si Kismet na kaibigan rin ni Kuya Rei. "Ipagkakasundo niyo po sila?" Kunwa'y wala lang na tanong ko. "Elle..." tawag sa akin ni Indigo pero hindi ko siya nilingon. Kay Tito Arnold lang ang buong atensiyon ko. Kahit na noong hawakan niya ako sa braso ay hindi ko pa rin siya nililingon. Ayaw kong makumpirma sa mga mata niya na totoo ang sinasabi ni Tito Arnold. "Well, noong isang linggo pa namin napag-usapan iyon hija. Hayaan mo pakikiusapan ko si Kismet na ikaw ang kuning bride's maid. Total, magkakababata naman kayo." Pilit akong ngumiti bago tumango. "Baka po hindi ako makadalo sa kasal Tito. Magiging abala po ako sa school." Sabi kong pilit na kinakalma ang sarili. "Mauuna na po ako." Hindi ko na hinintay ang sagot ni Tito Arnold. Kaagad akong lumabas. Tila wala sa sariling naglakad ako palapit sa elevator. "Elle..." pagpigil na tawag sa akin ni Indigo. Hindi ko siya sinagot. Diretso ang tingin ko sa pinto ng elevator. "Elle, kausapin mo naman ako." Marahan akong nagpakawala ng mabigat na paghinga. Kasunod niyon ay ang pag-alpas ng mga luha ko. "You lied to me." "Elle I'm sorry, I was..." "Huwag ka nang magpaliwanag, Indigo." "But we—." "We had s*x that night. Nothing to worry about Indigo. Hindi kita hahabulin kung sakaling may nabuo." Kaagad akong pumasok sa elevator. Mabilis kong pinunasan ang mga luha ko. "Damn it, Elle, we made love." "Love? Huwag mo akong patawanin." malamig kong sabi. "You took advantage of my feelings. Inaksaya mo lang ang oras mo sa batang katulad ko dahil alam mong patay na patay ako sayo." "Elle no..." "Hell yes! Dahil kung hindi'y hindi ka magsisinungaling." Nang muling bumukas ang pinto ng elevator ay kaagad akong lumabas. Mabilis ang lakad na tinungo ko ang tabing kalsada para pumara ng taxi. "Elle..." "I hate you Indigo." - Isang buntong-hininga ang pinakawalan ko nang matapos kong balikan sa isipan ang napakasakit na alaalang iyon. Mas lalong tumindi ang galit ko kay Indigo nang mabalitaan kong umalis ito ng bansa kasama si Kismet. Marahil ay nagpakasal na ang dalawa sa ibang bansa. Natigil ako sa ginagawang paghawak ng mahigpit sa unan nang makita ang isang panyong puti. Kaagad kong tiningnan ang taong nag-aabot niyon. "Get lost." malamig kong sabi bago muling ibinaling ang tingin sa ibang direksiyon. Narinig ko ang pagpapakawala niya ng hininga bago tumikhim. "I bought you snacks. Kumain ka kapag nagutom ka. Ihahatid na rin kita sa inyo mamaya." Hindi ako sumagot. Ayaw kong magsalita. Ayaw ko siyang kausapin. Kung maaari'y ayaw ko na siyang makita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD