"How's your exam, Elle?" Tanong sa akin ni Cassidy pagkaupo ko pa lang. Narito kami ngayon sa cafeteria. Naunang natapos ang kurso nila Cassidy sa exam. Samantalang kami ang pinakahuli. Madali naman ang exam, iyon nga lang, natagalan dahil nahuli si Sir Cace. Galing yata sa meeting, nakasuot ng uniporme pang-opisina nang dumating, eh. "Okay naman." Sagot ko bago inilibot ang tingin. Marami-rami na ang mga estudyante sa cafeteria. "Ako na lang ang bibili, Cass. Baka mawalan tayo ng puwesto, ang daming tao ngayon, oh." Tumango naman si Cassidy bilang sagot. Kaagad na akong naglakad palapit sa medyo may kahabaang pila. Siguro mga sampung tao bago ako. Habang naghihintay ay inabala ko na muna ang sarili sa pagtingin-tingin ng kung ano sa cellphone. Natigil lamang ako nang may tumulak sa