CHAPTER 5.5

1099 Words
DERALD Kahit wala akong maayos na tulog dahil sa naganap kagabi, nag-aalab pa rin ang apoy sa aking puso na bumalik nang buhay sa Phorian. Kahit hindi talaga ako ang tunay na Derald, pakiramdam ko para sa akin 'yong mga salita sa liham. "Siguro kung alam mo lang ang tungkol sa tunay na nararamdaman sa iyo ng iyong Ama, Derald, paniguradong hindi mo hahayaan na matapos sa maling akusasyon ang iyong buhay. Alam kong katulad ko, lalaban ka hanggang sa makamit mo ang dapat na sa iyo," ani ko sa aking sarili.  Malamig ang simoy ng hangin, nag-aagaw ang liwanag at dilim habang umaawit ng uyayi ang mga salagubang. Hindi naman malayo ang pagitan ng tinutuluyan ko sa pinag-usapang tagpuan. Habang mariing hinahaplos ang singsing na naginawa kong pendant ng aking kwintas, inisip ko ang panganib na aking haharapin.  Kahit na malalakas ang grupo ni Fernando, iba pa rin kapag may mga kapangyarihan ang aming makakasagupa. Base sa kwento, ipinakilala ni Takahashi Sensei na pinaka-matalinong lahi ang mga Elven. Mahina man sila sa pagdating sa usapang pisikal na labanan, hindi naman sila magpapatalo pagdating sa paggawa ng mga patibong, saktong-sakto dahil ang Lithele ay isang kaharian ng masukal na kagubatan. Kaanib nila ang mababangis na hayop at mga hindi pangkaraniwang nilalang, malalaki at maliliit.  Noong una, ang dahilan ko lang naman kung bakit gusto kong sumama ay dahil natakot ako sa bantang sinabi ni Cosmos. Noong tinitigan niya ako kagabi para niya akong lalamunin na ewan.  Umiling ako nang ilang beses para iwaksi ang negatibong sumasabit sa aking isipan. Naririto ako ngayon upang gampanan ang aking tungkulin bilang Prinsipe ng Phorian at magiging sunod na Hari. Yeah, I'm fckng claiming that title right now! Ano namang paki ko sa mararamdaman ni Cosmos? Hindi naman ako ang tunay na Derald kaya kung ano man ang pinagsamahan nila noon ay balewala sa akin.  "Kamahalan!" rinig kong sigaw ng ilang mga kawal. Ngumiti ako noong makita ang maligalig nilang pagkaway. Tumakbo na ako't sabik na nilapitan sila. "Ikinagagalak naming masamahan mo kami sa aming paglalakbay. Pakiramdam ko tayo ay su-swertehin at makakauwi nang madali!" nakangiting ani no'ng isa habang kaswal na nakaakbay sa aking balikat. Hindi ko naman siya sinaway dahil masaya akong tinatrato nila ako na parang isa sakanila. "Sana nga po ay mangyari iyon," matipid kong tugon. "Ay tiyak iyon, Kamahalan! Ikaw ang pinagpalang Anak ni Mavena kaya paniguradong gagabayan tayon ng swerte san man tayo magpunta!" maligalig nitong bulalas. Mavena... Mavena nga pala ang pangalan ng aking Ina ngunit wala akong alam tungkol sa kanya. Sa volume 2 pa nga kasi ipapakilala iyon ni Takahash Sensei, hindi ko rin naitanong iyon sa kaibigan kong nagbabasa ng raw, kaya nganga talaga ako pagdating sa kanya. "Ahm, mawalang galang na po, maaari niyo po bang ikwento sa akin ang tungkol sa aking Ina? Alam niyo po kasi, simula noong maliit pa lang ako, walang nagkwento sa akin kung ano ang ugali niya, ni litrato nito ay hindi ko man lang nakita. Kung kayo man po ay may kahit na katiting na impormasyon tungkol sa kanya, ikagagalak ko po iyong pakinggan," mahaba kong lintana. Saglit na natahimik 'yong mga sundalong nakapalibot sa akin. Saglit silang nagkatinginan bago ako bigyan ng malungkot na tingin. "Pa-Pasensya ka na, Kamahalan ngunit mahigpit na ipinagbabawal ang paglabas ng impormasyon tungkol sa iyong Ina. Isa iyong sumpa at tiyak na kamatayan ang hatol sa sinumang Akraemorian na lalabag sa batas," tugon nito. "Kung nais mong malaman ang ang lahat tungkol kay Mavena, si Onas ang tamang nilalang na dapat mong kausapin," sabat ni Fernando. Naagaw niya ang aming atensyon. Kanina pa kaya siya nakikinig? At sino si Onas? Wait, aalalahanin ko lang kung may nabasa ba akong gano'ng ngalan sa manga. Onas... Onas... "Onas ng Lithele. Siya ang pinuno ng mga Elven at matalik na kaibigan ng iyong Ina noon. muli nitong sabat. Napansin niya atang nahihirapan ako sa pag-iisip kung sino ang tinutukoy niya kaya nagsalita na siyang muli. "Ayon! Sakto naman pala ang pupuntahan natin! Paniguradong kapag nalaman nilang kasama ka namin na Anak ni Mavena ay hindi tayo magkakaroon ng problema," masayang sabi no'ng isa. "Naku! Hindi rin tayo sigurado. Paano kung patay na 'yong Onas?" "Imposible," mariing di pagsang-ayon ni Fernando. May alam kaya siya kay Mavena? Siguro pinipigilan niya lang ang kanyang sarili na magbahagi ng kanyang nalalaman dahil isa siyang Akraemor, at ang sumpa ay nakalaan lamang para sa kanila. Kaya ba kay Onas ko malalaman ang lahat dahil isa siyang Elven at hindi tatablahan ng sumpang kamatayan? Kung oo man, nasasabik na akong makarating sa Lithele at malaman ang tungkol sa aking misteryosong Ina. "Ang lahat ng nilalang na malalapit kay Mavena ay may sinumpaang pangako sa kanya bago ito mawala. Hangga't hindi natutupad ang pangakong iyon, hindi nila makakamit ang panghabang buhay na katahimikan." Tahimik lang kaming nakinig sa sinabi ni Fernando. Habang nasa malayo ang tingin ng mga mata nito, hindi no'n maitatago ang kalungkutan ng bawat salitang binitiwan niya. "Anong nangyayari rito? Dinaga na ba ang inyong mga dibdib at ganyan ang inyong mga itsura?" pambabasag na bungad ni Pranses. "Sinong dinadaga? Kami? Hahahahaha! Ilang misyon na ang napagtagumpayan natin, ngayon pa ba kami dadagain kung kailan kasama na natin ang Kamahalan? Hahahaha!" Tang*na! Ako ang nape-pressure sa mga pinagsasasabi ng mga taong ito. "Ahahahaha! Ako po ay labis na nagagalak sa inyong tinuran," awkward kong tugon. "Oh, siya kung ganon, handa na ba ang lahat?!" malakas na tanong ni Pranses. Mabilis na sumagot ang mga kawal gamit ang pagbalik ng sigaw. Syempre, dahil hindi naman ako Kill joy, naki 'awooo' na rin ako. Mala- Spartans ba. "Ihanda ang bawat puso, ialay ang kaluluwa. Tayo ngayon ay susuong na naman sa panibagong hamon, at inaasahan ko na sa pagkakataong ito ay ipapahiram niyong muli sa akin ang inyong buong lakas at ipagkakatiwala ang inyong mga buhay. Alam kong karamihan sa inyo ay pagod na ngunit para sa karangalan ng Phorian tayo ay patuloy na lumalaban. Gabayan naua tayo ni Mavena at nang sa muli ay makauwi tayo ng magkakasama, baon-baon ang inaasam na tagumpay. Isigaw ang ating karangalan bilang kawal ng Phorian!" "HAAAA!" "Mabuhay ang Kaharian ng Phorian!" 'Mabuhay!" Pagkatapos nang makabagbag damdaming salita ni Fernando, sa muling pagkakataon ay nakaramdam ako ng kaginhawaan. Hindi mo makikita sa mukha ng bawat isa ang takot kahit na maglalakad kami patungo sa delikadong daan habang ang posibilidad ng kamatayan ay malaki. Ngumiti ako kasama nila, at sa unang pagkakataon, sa tanang buhay ko, hinangad ko na sana'y hindi ito ang unang beses na makakasama ko sila sa mahabang paglalakbay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD